Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Bus, hinagisan ng granada


(North Cotabato/ January 25, 2015) ---Hinagisan ng mga kalalakihang sakay ng motorsiklo ang isang Unit ng Weena Bus na kakaparada pa lamang sa  Bus terminal sa Ron Rufino Alonzo Street sa lungsod ng Cotabato alas 7:10 kagabi.
 

Ayon kay Cotabato City Police Director S/Supt. Rolen Balquin, dalawang hindi kilalang suspek na lulan sa isang motorsiklo ang naghagis ng Granada.

Umaabot sa tatlong bus ang napinsala ngunit wala namang nasawi o nasaktan sa naturang pangyayari.

Nabatid na ang Weena Bus ay binili na ng Bachelor Bus Company na may rutang Davao City to Cotabato City.

May mga suspek na rin na iniimbestigahan ang pulisya na posibleng may kinalaman sa pagpapasabog ng granada sa terminal ng Weena Bus.

Extortion ang isa sa mga sinusundang anggulong ng mga otoridad sa pagpapasabog. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento