Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Nutrition Month sa bayan ng Kabacan, pinaghahandaan na!

(Kabacan, North Cotabato/ June 26, 2014) ---Puspusan na ang paghahanda ng Municipal Nutrition Council ng Kabacan hinggil sa nalalapit na Nutrition Month ngayong buwan ng Hulyo.

Sa panayam ng DXVL News kay Municipal Nutritionist Action officer Vergie Solomon sinabi nitong iba’t-ibang mga programa ang kanilang inilatag.

Garcia, wagi bilang USG Pres sa katatapos na USG election ng USM; LSG-IMEAS di mapapabilang sa gagawing mass oath taking

(Kabacan, North Cotabato/ June 26, 2014) ---Nailuklok bilang bagong Pangulo ng University Student Government si Jacklyn Ann “Jackie” Garcia sa katatapos na halalan sa Pamantasan ng Katimugang Mindanao kahapon.

Si Garcia ang nanguna buhat sa apat na mga Presidentiables na nakakuha ng 3,387 na boto at manumpa kasama ng mga bagong halal na opisyal ng USG-LSG-ASG na pangungunahan ni Bb. Pilipinas Universe MJ Lastimosa.

Passenger Van, hinold-up sa Matalam, North Cotabato; drayber at konduktor, nilublob sa sakahan

(Kabacan, North Cotabato/ June 26, 2014) ---Hinold-up ng mga di pa nakilalang mga kalalakihan ang isang passenger Van sa bahagi ng Matalam, North Cotabato kahapon ng hapon.

Sa ulat na ipinarating sa DXVL News ni Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang nasabing van ay isang Grandea na kulay pearl white at may license plate MWC 559.

Bb. Pilipinas Universe MJ Lastimosa, darating sa USM, Kabacan ngayong araw

(USM, Kabacan, North Cotabato/ June 26, 2014) ---Magiging panauhing pandangal at tagapagsalita sa gagawing Mass Induction and oath taking ng mga bagong halal na opisyal ng University of Southern Mindanao-University Student Government and Local Student Government si Binibining Pilipinas Universe MJ Lastimosa.

Sa panayam ng DXVL News kay Office of the Student Affairs Director Dr. Nicolas Turnos na pansamantalang suspendido ang klase mula alas 9:00 hanggang ala 1:00 ng hapon ngayong araw para mabigyan ng pagkakataon ang mga bagong halal na opisyal ng USG-LSG at mga estudyante na makadalo ng nasabing aktibidad.

IED sumabog sa Tulunan, North Cotabato

(Tulunan, North Cotabato/ June 25, 2014) ---Isang improvised Explosive Device ang sumabog sa provincial road, brgy. Sibsib, Tulunan, North Cotabato pasado alas 12:00 ng tanghali kahapon.

Sa report ni PSI Ronnie Cordero, hepe ng Tulunan PNP ang nasabing IED ay gawa sa 81mm Mortar at nakabalot sa berdeng plastic container kungsaan cell phone ang inilagay na triggering device.

USM-USG Election, gagawin na ngayong araw

(USM, Kabacan, North Cotabato/ June 24, 2014) ---Gagawin ngayong araw ang University of Southern Mindanao-University Student Government Election ito makaraang malagay sa kontrobersiya ang nakaraang eleksiyon ng USG.

Ayon kay Office of the Student Affairs Director Dr. Nicolas Turnos na gagawin ang nasabinghalalan sa USM Gymnasium mula alas 9:00 ngayong umaga hanggang alas 3:00 mamayang hapon.

Presyo ng bigas sa Kabacan, tumaas ng P2.00 ang kilo

(Kabacan, North Cotabato/ June 24, 2014) ---Tumaas ng abot sa dalawang piso ang presyo ng commercial rice sa bayan ng Kabacan, North Cotabato.

Sa pagtutok ni USM-Devcom Volunteer Cynthia Lumogda nabatid mula sa mga nagtitinda mula sa loob ng Kabacan Public Market na ang kakulangan sa supply ng bigas ang isa sa mga dahilan ng pagtaas ng presyo nito.

27-anyos na laborer, timbog sa illegal na droga sa Matalam, North Cotabato

(Matalam, North Cotabato/ June 24, 2014) ---Bumagsak sa kamay ng mga otoridad ang isang 27-anyos na lalaki makaraang mahulihan ng illegal na droga sa isinagawang highway check ng Matalam PNP sa Matalam-Kabacan Highway, partikular sa harap ng Sea Oil gasoline Station, Poblacion, Matalam, North Cotabato kamakalawa ng gabi.

Sa report ni SPO1 Froilan Gravidez ng Matalam PNP kinilala ang naaresto na si ronilo Española dela Fuente, laborer at residente ng Purok 1, Kilada ng nasabing bayan.

Alamada nagpasalamat sa mga tumulong sa nangyaring cholera oubtreak

By: Roderick Rivera Bautista

(Alamada, North Cotabato/ June 23, 2014) ---Lubos ang pasasalamat ng lokal na pamahalaan ng Alamada, North Cotabato sa iba’t- ibang grupo na tumulong sa kinaharap nilang krisis sa nakalipas na buwan.

Sa ginanap na 45th Founding Anniversary Program nitong Sabado ay ipinamahagi ng Local Government Unit of Alamada ang certificates of appreciation sa mga sangay ng pamahalaan na rumisponde sa cholera outbreak.

BREAKING NEWS! 3 wanted utas sa pulis operation sa Cotabato City

(Cotabato city/ June 23, 2014) ---Maagang sinalubong ni kamatayan ang tatlong mga kalalakihan matapos magsagawa ng police operation ang Cotabato City Public Safety Company at Public Safety Company  ng Maguindanao Police Provincial Office sa Bagua 2, Cotabato City pasado alas 5:00 ng madaling araw kanina.

Kinilala ni Cotabato City PNP Director Senior Supt. Rolen Balquin ang mga suspek na sina Moktar Santo na napag alamang may pending warrant of arrest ng multiple murder with 57 counts o isa sa mga suspek na kabilang sa Maguindanao Massacre, at napag alaman rin na isa sa mga may patong sa ulo na 250,000 pesos

Joint Ceasefire Monitoring Post sa Sitio Nazareth, hindi nag-pull-out kundi inabandona ang kanilang post –CDRRMC

(Kidapawan City/ June 23, 2014) ---Kung ang pamunuan ng Kidapawan City Disaster Risk Reduction Management Council ang tatanungin, hindi nag-pull-out ang Joint Ceasefire Monitoring Post kundi inabandona nila ang kanilang tungkulin sa Sitio Nazareth, Amas, Kidapawan City.

Ito ayon kay CDRRM Head Psalmer Bernalte makaraang walang abiso na ginawa ang JCMP sa kanila.

Mga naapektuhan ng Landslide sa Arakan, North Cotabato umakyat na sa 38 Pamilya

(Arakan, North Cotabato/ June 23, 2014) ---Patuloy na nagpapaalala ngayon ang pamunuan ng North Cotabato Provincial Disaster Risk Reduction Council partikular na sa mga residente na malapit sa mga mababang lugar na maging alerto ngayong panahon ng tag-ulan.

Ginawa ni PDRRMC Head Cynthia Ortega ang pahayag sa DXVL Radyo ng Bayan matapos na sumampa na ngayon sa 38 mga pamilya ang naapektuhan ng nakaraang landslide sa Sitio Tinago sa brgy. Napaliko sa bayan ng Arakan.

Rubber Tapper, nakaligtas sa nangyaring pamamaril sa M’lang, North Cotabato

(M’lang, North Cotabato/ June 23, 2014) ---Maswerteng nakaligtas ang isang 33-anyos na rubber tapper makaraang pagbabarilin ng di pa nakilalang suspek sa bahagi ng Purok 4, Brgy. New Esperanza, Mlang, North Cotabato alas 9:00 ng gabi nitong Biyernes.

Kinilala ni PSI Joan Resurreccion, OIC ng Mlang PNP ang biktima na si Eric Enclonar delos Santos at residente ng nabanggit na lugar.

Maguindanao, isinailalim na sa State of Calamity!

(Maguindanao/ June 23, 2014) ---Isinailalim naman sa state of calamity ang probinsiya ng Maguindanao matapos ang mga pagbabaha sa lugar.

Ito ayon kay Board Member Jojo Sinsuat.

Sa ngayon unti-unti namang humuhupa ang tubig baha sa 13 mga bayan na naapektuhan ng pagbaha sa Maguindanao.

Magsasaka, sugatan makaraang barilin sa Carmen, North Cotabato

(Carmen, North Cotabato/ June 23, 2014) ---Patuloy na nagpapagaling ngayon sa isang ospital sa Kidapawan city ang isang magsasaka makaraang mabiktima ng pamamaril sa Purok 13, Poblacion, Carmen, North Cotabato alas 7:15 nitong Sabado ng gabi.

Kinilala ng Carmen PNP ang biktima na si Ricky Kusain Nautin, 36-anyos, may asawa, magsasaka at residente ng nabanggit na lugar.

42-anyos na drug courier, patay sa pamamaril sa Kidapawan City

(Kidapawan City/ June 23, 2014) ---Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng tatlong mga kalalakihan ang isang 42-anyos na lalaki sa panibagong krimen na nangyari sa Purok 6, Sitio Anao, Brgy. Muan, Kidapawan city alas 9:45 ng gabi nitong Sabado.

Kinilala ng Kidapawan city PNP ang biktima na si Vernon Veroso Milina, may asawa at residente ng Dumacon St., Kidapawan City.

Misis at katulong nito, arestado sa isinagawang search operation hinggil sa illegal drugs sa Kidapawan City

(Kidapawan City/ June 23, 2014) ---Kulungan ang bagsak ng 30-anyos na misis kasama ang katulong nito ng makuhanan ng illegal drugs na shabu sa isinagawang operasyon ng mga otoridad sa bahagi bg Black 3, Gawad Kalinga, Muslim Village, Brgy. Sudapin, Kidapawan City alas 6:00 ng umaga nitong Sabado.

Kinilala ni P/Supt. Leo Ajero, Kidapawan City PNP Director ang suspek na si Normina Santos Sultan kasama ang kasmbahay na di kinilala sa report matapos na marekober sa kanya ang iba’t-ibang laki ng plastic heat sealed na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu.