Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Nutrition Month sa bayan ng Kabacan, pinaghahandaan na!

(Kabacan, North Cotabato/ June 26, 2014) ---Puspusan na ang paghahanda ng Municipal Nutrition Council ng Kabacan hinggil sa nalalapit na Nutrition Month ngayong buwan ng Hulyo.

Sa panayam ng DXVL News kay Municipal Nutritionist Action officer Vergie Solomon sinabi nitong iba’t-ibang mga programa ang kanilang inilatag.

Dagdag pa ni Solomon na nakasentro ang nasabing programa sa temang “kalamidad paghandaan gutom at malnutrisyon agapan”

Sa isinagawang Municipal Nutrition Council meeting kahapon pinag-usapan ang gagawing Nutrition month culmination program na gaganapin ngayong darating na buwan ng Hulyo 31 na isasagawa sa Kabacan Municipal gym at lalahukan ito ng mga grade school, high school, day care children, mga nanay, farmers, Brgy. Councils at bdrrmc o kilalang Brgy. Disaster Risk Reduction Management Council.


Ang aktibidad ay pangungunahan ni Kabacan Mayor Herlo Guzman jr. kasama ang LGU Kabacan, municipal social welfare development office, non government office, Rural health unit at iba pang stake holders ng Kabacan. Zhaira Sinolinding

0 comments:

Mag-post ng isang Komento