Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Rubber Tapper, nakaligtas sa nangyaring pamamaril sa M’lang, North Cotabato

(M’lang, North Cotabato/ June 23, 2014) ---Maswerteng nakaligtas ang isang 33-anyos na rubber tapper makaraang pagbabarilin ng di pa nakilalang suspek sa bahagi ng Purok 4, Brgy. New Esperanza, Mlang, North Cotabato alas 9:00 ng gabi nitong Biyernes.

Kinilala ni PSI Joan Resurreccion, OIC ng Mlang PNP ang biktima na si Eric Enclonar delos Santos at residente ng nabanggit na lugar.

Ayon sa report, kasama ng biktima ang kanyang kaibigan na kinilalang si Junmer Sara habang masayang nagku-kwentuhan sa kanilang bahay at bigla lamang dumating ang isang suspek at pinadapa ang mga ito.

Nang tumingin ang biktima sa susepk kanyang binaril ito.

Matapos ang insedente ay nagawa namang makatakbo at tumakas ng biktima sa bahagi ng ilog para maka-iwas sa nasabing pamamaril.

Ang suspek ay nagtamo ng tama ng bala sa kanang bahagi ng kanyang katawan na dahilan para maisugod sa Mlang District Hospital para mabigyan ng medikal na atensiyon.

Narekober naman sa pinangyarihan ng insedente ang tatlong empty shell ng kalibre .45 na pistol, isang extended na magazine at sampung bala ng nasabing baril.

Nagpapatuloy pa sa ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng mga kapulisan para matukoy at mapanagot sa batas ang suspek. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento