(Arakan, North Cotabato/ June 23, 2014) ---Patuloy
na nagpapaalala ngayon ang pamunuan ng North Cotabato Provincial Disaster Risk
Reduction Council partikular na sa mga residente na malapit sa mga mababang
lugar na maging alerto ngayong panahon ng tag-ulan.
Ginawa ni PDRRMC Head Cynthia Ortega ang
pahayag sa DXVL Radyo ng Bayan matapos na sumampa na ngayon sa 38 mga pamilya ang
naapektuhan ng nakaraang landslide sa Sitio Tinago sa brgy. Napaliko sa bayan
ng Arakan.
Dahil sa nasabing insedente, maraming mga
kabahayan at kabuhayan ang nasira kabilang na ang sakahang palay, mais, gulay
kasama na ang ilang mga high value crops.
Sa ngayon agad namang nabigyan ng ayuda ng
Pamahalaang Lokal ng Arakan ang mga residenteng naapektuhan ng nasabing
landslide.
Maliban dito, may ilang mga lugar naman na
tinamaan ng landslide at mga pagbaha sa bayan ng Pres. Roxas, Mlang at Kabacan.
Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento