(Kabacan,
North Cotabato/ July 3, 2013) ---Patuloy ngayon ang ginagawang pag-sasaayos sa
ilang tanggapan ng pamahalaang lokal ng Kabacan matapos na nagkaroon ng lipatan
ng opisina.
Ang nasabing
hakbang ay batay sa memo 2014-004 na inilabas ng bagong administrasyon ni
Kabacan Mayor Herlo Guzman, Jr. layon ay para pagbutihin pa ang serbisyong
ibinibigay ng LGU Kabacan.
Sa ngayon
makikita ang opisina ng alkalde sa ikalawang palapag ng main building ng
Municipal hall kasama sa taas ang tanggapan ng Municipal Planning and
development Office.
Inilipat
naman buhat sa Annex building at ngayon ay nasa 1st floor na ng main
building ang opisina ng Budget, accounting, assessors at treasury.
Inuukupa
naman ngayon ng Municipal environment and Natural Resources Office ang dating
opisina ng treasury.
Inilipat
naman sa annex building ang Vice Mayor’s Office, staff, SB at Session hall
kasama na ang library.
Sinimulan na
rin ng bagong administrasyon ang pagpapatawag ng courtesy call sa lahat ng mga
kawani ng pamahalaang lokal at mga government lined agencies. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento