Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Oath taking and turn over ceremony ng mga bagong opisyal ng Kabacan, gagawin ngayong umaga

(Kabacan, North Cotabato/ June 28, 2013) ---Isasagawa ngayong umaga ang oath taking at turn over ceremony ng mga bagong halal na lokal na opisyal ng Kabacan.

Batay sa opisyal na programang inihanda ng pamahalaang lokal ng Kabacan gagawin ang nasabing programa sa Municipal gymnasium alas 8:00 ngayong umaga.
Manunumpa ang mga bagong opisyales na nailuklok sa pwesto kay Cotabato Gov. Emmylou “Lala” Taliño Mendoza na siya ring panauhing pandangal sa nasabing seremonya ngayong umaga.

Ipepresinta naman ni Municipal Local government Operation Officer Jasmin Musaid ang mga newly elected officials ng Kabacan.

Magbibigay naman ng kanyang mensahe si outgoing mayor George Tan kungsaan kanyang ililipat ang simbolo ng posisyon at kapangyarihang pamunuan ang Kabacan kay Mayor elect Herlo Guzman, Jr..

Ang nasabing aktibidad ay bukas sa lahat ng mga mamamayan at mga imbitadong bisita.

Kaugnay nito, ngayong umaga rin gagawin ang oath taking ni Cot. Gov. Emmylou LALa Talino Mendoza.

Ang nasabing programa ay gagawin sa Capitol gymnasium, Amas, Kidapawan city alas 9:00 ngayong umaga. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento