(Midsayap,
North Cotabato/ July 5, 2013) ---Abot sa labinglimang iskolar ang inindorso ng
tanggapan ng Unang Distrito ng North Cotabato sa Commission on Higher Education
o CHED Regional Office XII.
Sila
ay inaasahang mabibigyan ng dagdag tulong pang- edukasyon sa ilalim ng CHED
Special Study Grant Program na inilaan para sa unang distrito ng North
Cotabato.
Natukoy
ang mga pumasang aplikante sa pamamagitan ng mga isinumite nilang dokumento sa
opisina ng kongresista alinsunod sa batayang itinakda ng CHED, ayon sa report
ni PPALMA News correspondent Roderick Bautista.
Samantala,
sinabi naman ni First Congressional District Office Scholarship Coordinator
Nicanor Nanlabi na isa lamang ang CHED Special study grants sa iba pang
education support programs ng tanggapan.
Nabatid
na isinusulong din ni Rep. Jesus Sacdalan ang ‘Edukasyon Para Sa Kapayapaan’
program na naglalayong suportahan ang mga mahihirap ngunit magagaling na
mag-aaral na nais makapag-aral sa kolehiyo.
Kabilang
sa dito ang scholarships para sa mga kukuha ng agriculture- related courses sa
University of Southern MIndanao at technical and vocational courses sa TESDA-
accredited schools sa distrito uno ng lalawigan.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento