Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Dating dean ng USM-CBDEM, ginawaran bilang outstanding finance educator in Mindanao

(Kabacan, North Cotabato/ July 1, 2013) ---Iginawad kamakailan kay Dr. Lope Dapon ang parangal bilang outstanding finance educator in Mindanao sa Taguig city, Metro Manila.

Ayon kay College of Business Development and Economic Management Dean Dr. Gloria Gabronino ang nasabing parangal na tinanggap ni Dr. Dapon ay nagsimula ng dumalo siya sa isang kumprehensiya kasama ang ilang mga faculty ng University of Southern Mindanao hinggil sa finance education na ginanap sa Cagayan de Oro city.

Ang nasabing kumprehensiya ay sponsor ng Financial Executives Foundation o FINEX at sinundan ito ng isa pang training ng Asian Institute of Management kung saan si Dr. Dapon ay itinanghal bilang namumukod tanging finance educator sa buong Mindanao.

Ipinagmamalaki naman hindi lamang ng CBDEM kundi maging ng Unibersidad ang karangalang natanggap ng guro.

Si Dr. Dapon ay kasalukuyang chairperson ng Accountancy Department ng CDBEM.

Dati rin siya’ng Dean ng College.

Ang CBDEM ay nag-ooffer ng mga kursong BS Business Administration, BS Agri Business, BS Accountancy, BS Agricultural Economics at BS Development Management. (Rhoderick Beñez)



0 comments:

Mag-post ng isang Komento