Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Nakaw na motorsiklo narekober sa Kabacan; 3 suspek na nahuli, pinalaya

(Kabacan, North cotabato/ July 5, 2013) ---Narekober ng pinagsanib na pwersa ng mga elemento ng Kabacan PNP at ng 7th IB kasama ng tropa ng Cafgu ang ninakaw na motorsiklo sa bayan ng Pikit.

Sa report ni 7th Infantry Battalion Commanding Officer Lt. Larry Valdez isang kulay itim na DT YAMAHA ang ninakaw alas 6:00 ng umaga nitong Miyerkules.

Ang nasabing sasakyan ay pagmamay-ari ni PO1 Marlon Moreno, 36, may asawa, residente ng bayan ng Pikit at nakadestino sa Pagalungan PNP.

Dinala ang nasabing sasakyan sa Brgy. Cuyapon kungsaan nahuli ang tatlong mga salarin sa pinagsanib na operasyon ng mga otoridad, partikular sa Sitio Garcia.

Kinilala ang tatlong mga suspek na sina: Sorin Udag, 30, tubong Kayaga, Kabacan; Datu Ryan Sultan, 28, Rajamuda, Pikit; at Badrudin Abid, 21 at residente ng Lapu-lapu St., Poblacion, Kabacan.
 
Inareglo umano ni PO1 Moreno ang tatlong mga suspek sa Kabacan PNP kaya pinakawalan ang tatlo mula sa kustodiya ng pulisya at inilipat ang imbestigasyon sa Pagalungan PNP.

Inalmahan naman ng Kabacan PNP ang nasabing hakbang ng pulis na biktima, sa ginawa nitong pag-areglo sa tatlong mga suspek, ito dahil matapos maghirap sa isinagawang operasyon at marekober ang nasabing sasakyan ay nabalewala ang kanilang pinaghirapan.

Ayon sa PNP Kabacan, anila makakabalik naman sa dating gawain ang mga iyon dahil sa ginawang pag-areglo. (Rhoderick Beñez)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento