Grupo ng LGU Alamada; kampeon sa street dancing competition; Kumbira sa kapitolyo dinumog ng libu-libong mga mamamayan
Mas dumoble ang dami ng taong nakibahagi at dumalo sa katatapos na “Kalivungan Festival” at culmination program ng 97th founding Anniversary ng probinsiya ngayong taon.
Kahit mainit ang panahon, siksikan ang marami para lang maki-nood ng indak-indak sa dalan at final showdown ng “Hinugyaw sa Karsada Street Dancing” kahapon sa Amas provincial grounds, brgy Amas, Kidapawan City .
Sa walong mga contingent ideneklarang kampeon ng mga hurado ang grupong Kadigayaan ng LGU Alamada matapos ang ipinamalas na galing sa pagsayaw kasama pa ang makukulay na mga damit at props na gamit ng mga ito.
Abot sa P150,000 na cold cash ang tinanggap nila mula sa probinsiya bilang pa-premyo. Nakuha naman ng grupo ng Pikiteño mula sa bayan ng Pikit ang 1st Runner up kungsaan tinanggap nila ang premyo na P100,000 habang P70,000 naman ang nakuha ng 2nd Runner up ng grupong kahiwatan ng Pigcawayan.
P20,000 naman ang consolation prize ng mga entry ng tribong-Halad ng Midsayap, Carmenian mula sa bayan ng Carmen, LGU-Kabacan, Basileño ng Banisilan at Tribong Tinamanan na mula sa bayan ng Arakan, lahat tumanggap ng plaque of participation.
Punong-puno ang grandstand at maging ang palibot nito ng mga taong dumalo at nanood sa nasabing kompetisyon.
Ganap na alas 11 ng umaga kahapon sabay-sabay na binuksan ang “Kumbira sa Kapitolyo” kungsaan dinumog ito ng mga taong dumalo sa selebrasyon. Kanin, at ulam na manok at ginilang na karneng baka na abot kaya ang naging kumbira sa Kapitolyo, P20.00 ang halaga ng bawat pack lunch.
Samantala, sinaksihan naman ng marami ang para motor gliding show kungsaan agaw atensiyon ito sa kalawakan.
Pinasalamatan din ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza at ni Vice Governor Gregorio “Dodong” Ipong, kasama ng mga SP members ang kooperasyon ng bawat Cotabeteños at maging ang mga pulis at militar na nagbantay sa buong linggong selebrasyon ng “Kalivungan Festival”. (Rhoderick Beñez)