Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Wonder Papaya, pinagtatakhan ng mga residente ng Kabacan

actual photo taken by Glenda Tupan



Written by: Rhoderick BeƱez

(Kabacan, North Cotabato/August 29, 2011) ---Agaw atensiyon ngayon sa facebook ang isang kakaibang papaya o ang tinatawag na “wonderful papaya” matapos kakitaan ito ng bunga sa loob din ng bunga nito.

Ayon sa may ari ng nasabing papaya na si Glenda African Tupan, kawani ng Sangguniang bayan sa Kabacan at residente ng 2nd Block, Purok Masagana, Poblacion, Kabacan, Cotabato.

Ang nasabing prutas ay galing pa umano kahapon sa Sanggadong at planu na sana nila itong kainin kagabi subalit matapos balatan at hiwain, pinagtatakhan nila na may bunga itong hilaw sa loob ng bunga nito.

Pangkaraniwan naman ang hugis ng papaya at maging ang kanyang laki.

Matapos makita ng may ari ang kakaibang Papaya na tanim pa ng kanyang papa sa kanilang sakahan sa nabanggit na bgry. Minabuti ni ate Glenda na itago muna sa kanilang refrigerator at di na nila ito kinain.

Sa ngayon planu ni Glenda na dalhin ang nasabing Wonderful Papaya sa Market-market sa kapitolyo para sa display booth ng Kabacan sa Miyerkules.

Sa ngayon, naniniwala naman ang ilan at maging ang pamilya tupan na may dalang swerte ang wonderful Papaya na ito sa kanilang pamilya. 

0 comments:

Mag-post ng isang Komento