Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

USM suspendido ang exams dahil sa nangyaring pagbaha!

(Kabacan, North Cotabato/ January 23, 2015) ---Suspendido muna ang mga pagsusulit sa University of Southern Mindanao Kabacan ngayong linggo dahil sa pag- apaw ng Kabacan River na nagresulta sa pagbaha sa ibang bahagi ng unibersidad partikular na sa College of Health and Sciences, College of Arts and Sciences, CAS annex, USM Hospital, at ang pinakaapektadong bahagi ay ang Plang Village.

1 patay sa pagragasa ng baha sa Kabacan; USM Main Campus, pinasok din ng baha

(Kabacan, North Cotabato/ January 22, 2015) ---Niragasa ng tubig baha ang ilang bahagi ng Main Campus ng University of Southern Mindanao pasado alas 9:00 ngayong umaga lamang.

Ito matapos na umapaw ang tubig sa Kabacan river bunsod ng walang humapay na mga pag-uulan sa mataas na bahagi ng lalawigan ng North Cotabato.

Pagtututok sa Peace and Order ng Kabacan, patuloy na isinusulong ng Alkalde

(Kabacan, North Cotabato/ January 22, 2015) ---Isa ang pagpapanatili ng kapayapaan sa Bayan ng Kabacan sa mga tinututukan ng kasalukuyang administrasyon.

Ito ang sinabi sa DXVL News ni Mayor Herlo Guzman Jr., kungsaan ipinagmalaki nitong malaking porsiento ng kriminalidad ang napababa sa kanyang administrasyon.

DA Kabacan hinikayat ang mga magsasaka sa Flood and Drought Areas na mag-apply ng Crop Insurance sa PCIC

(Kabacan, North cotabato/ January 22, 2015) ---Hinikayat ng Local Government Unit Department of Agriculture Kabacan ang mga magsasaka sa Flood and Drought Prone Areas na mag-apply ng Crop Insurance sa Philippine Crop Insurance Corporation o PCIC, ito ay ayon kay Agriculture Report Officer Tessie M. Nidoy.

Dagdag pa niya ang Crop Insurance ay nasa ilalim ng programang WARA o Weather Adverse Rice Areas ng Department of Agriculture at ang ikinaganda umano ng programang ito ay, ito ay libre at walang anumang babayaran ni kusing ang mga magsasaka at ang gagawin lamang nila ay magfill-up ng form.

PESO Kabacan nagsagawa ng re-orientation sa mga aplikante ng Pangkabuhayan Livelihood Program ng DOLE 12

(Kabacan, North Cotabato/ January 22, 2015) ---Nagsagawa ng re-orientation ang Public Employment Services Office (PESO) sa mga aplikante ng Pangkabuhayan Livelihood program ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Kabacan Gymnasium, kahapon ng umaga.

Ito ay ayon sa panayam ng DXVL news kay PESO Manager, Administrative Aid III, George S. Graza upang mapaalam sa mga aplikante ang hinggil sa bagong requirement na dapat i-submit ng mga ito sa DOLE.

Inabandonang motorsiklo, inakalang may IED

(Kabacan, North Cotabato/ January 22, 2015) ---Negatibo sa anumang pampasabog ang isang motorsiklo na inabandona sa bahagi ng Brgy. Osias, Kabacan, Cotabato kahapon.

Sa panayam ng DXVL News kay PCI Ernor Melgarejo, hepe ng Kabacan PNP iniwan ng di pa nakilalang lalaki ang kayang motorsiklo malapit sa outpost ng pulisya ng di nagpaalam ng sumakay ito ng Van papuntang Kidapawan City.

Fire Code Revenue Awareness Month ng BFP Kabacan, patuloy pa rin

(Kabacan, North Cotabato/ January 22, 2015)---Kasalukuyang nagpapatuloy ang Fire Code Revenue Awareness Month ng Bureau of Fire and Protection o BFP ng Kabacan ayon sa panayam ng DXVL kay BFP Kabacan Assessor FO2 Brahim Guiamalon.

Ayon sa kanya, nakapaloob sa buong buwan ng Enero ang One Stop Shop ng LGU- Kabacan at isa ang kanilang tanggapan sa mga signatories sa pagkuha ng business permit na kung saan kasama sa mga babayaran ng mga kliyente ang Fire Code Fees.

Misis, utas sa Truck

(Kabacan, North Cotabato/ January 22, 2015) ---Dead on arrival sa ospital ang isang 36-anyos na Ginang makaraang maaksidente sa Roxas St., Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 6:20 kagabi.

Kinilala ni P/Insp. Maxim Peralta ng Kabacan PNP ang biktima na si Wennie Esmilla Cabigonda, 36 anyos, may asawa at residente ng Katidtuan, Kabacan, Cotabato.

Ekonomiya sa bayan ng Kabacan hindi na apektuhan sa kabila ng mga insidente sa bayan ---Mayor Guzman

(Kabacan, North Cotabato/ January 21, 2015) ---Iginiit ngayon ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., na hindi na apektuhan ang ekonomiya ng bayan ng Kabacan sa kabila ng pagpapasabog ng improvised explosive device o IED.

Ginawa ng opisyal ang pahayag sa DXVL News habang ito ay nag-iikot a mga pangunahing kalye ng bayan at sa merkado publiko ng bayan kungsaan nangyari ang pagsabog ng ied nitong nakaraang gabi.

Bayan ng Kabacan HIV/ AIDS Free ---RHU Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ January 21, 2015) ---Walang naitalang kaso ng Human Immuno-deficiency Virus/Acquired Immune Deficiency Syndrome o HIV/AIDS ang bayan ng Kabacan.

Ito ay ayon kay HIV Coordinator Ruth Passion ng Rural Health Unit ng Kabacan.

Sa panayam ng DXVL news ipinaliwanag ni Passion kung paano nakakahawa o nakukuha ang sakit na HIV/AIDS.

Dalapitan National High School, wagi sa Halad Festival 2015 open category

(North Cotabato/ January 21, 2015) ---Naging matagumpay ang taunang Halad Festival sa Midsayap, Cotabato na nagtapos nito lamang linggo na may temang: “Mapasalamatong Pagpahinumdom, Pagpuyo nga Kristohanon, Malaumong Pagpanaw Duyog ni Seňor Sto. Niňo.”

Kaugnay nito, gabi ng Huwebes ay nagtagisan ang pitong dilag sa kanilang isinagawang Mutya ng Halad Festival at itinanghal si Shanda Mae Bediot bilang Mutya ng Halad Festival 2015.

2 tiklo sa droga

(Kidapawan City/ January 21, 2015) ---Kulungan ang bagsak ng dalawang kalalakihan matapos na mahulihan ng illegal na droga sa checkpoint ng Barangay Balindog, Kidapawan City pasado alas siyete kagabi.

Sakay ng motorsiklong walang plate number ang dalawang suspek na sina sina Vincent Dancel, 19 anyos at Josema Limit pawang mga residente ng Purok Talisay, San Jose, Digos City at ng kapkapan ang mga ito ay nakuha sa bulsa ni Limit ang dalawang may kalakihang sachet ng pinaniniwalaang shabu.

COMELEC Kabacan naghahanda para sa SK election 2015

(Kabacan, North Cotabato/ January 21, 2015) ---Puspusan ngayon ang paghahanda ng COMELEC Kabacan sa darating na SK election ngayong Febuary 21, 2015.

Ito ay ayon sa panayam ng DXVL kay Kabacan Election Officer III Ramon Mario D. Jaranilla.

39 katao, nagpositibo sa sakit na STI sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ January 20, 2015) ---Abot sa 39 katao ang nagpositibo sa sakit na Sexually Transmitted Infection o STI sa bayan ng Kabacan noong nakaraang taon.

Ito ayon kay Disease Surveillance Coordinator Honey Joy Cabellon.

Sinabi ni Cabellon na karamihan sa mga sakit na ito ay Syphilis kungsaan saan ay datos ay buhat mula sa iba’t-ibang mga ospital sa bayan ng Kabacan.

Sultan Kudarat, inuga ng lindol

(Sultan Kudarat/ January 21, 2015) ---Niyanig ng 5.5 magnitude na lindol ang Lalawigan ng Sultan Kudarat alas 4:33 ng madaling araw kanina.

Sa ulat ng Phivolcs, naramdaman sa buong bahagi ng kanlurang Mindanao ang nasabing pagyanig.

Naitala ang epicenter ng pagyanig sa layong 70 km timog kanluran ng Palimbang, Sultan Kudarat.

11 katao nalason sa kinaing pansit at tuyo

(North Cotabato/ January 21, 2015) ---Aabot sa labing-isang magsasaka ang nalason matapos mag-almusal ng pansit at tuyo sa gitna ng palayan sa Barangay Tubon, bayan ng Pigcawayan, North Cotabato kamakalawa.

Kasalukuyang ginagamot sa Amado Diaz Foundation Hospital ang mga biktimang sina Vincent John Bingil,18; Ruel Cueno, 28; Rolando Cedeňo, 46; Rolly Cabańog, 43; Bryan Libusada, 28; Jason Arco,16; Peter John Cadungog, 20; Francis Bingil,47; Joseph Bingil, 36; Christopher Corro, 21; at si Jerald Egoc na mga residente sa Barangay Central Katingawan sa bayan ng Midsayap, North Cotabato.

IED, narekober sa National Highway sa NCot

(North Cotabato/ January 20, 2015) ---Isang malakas na uri ng Improvised Explosive Device (IED) ang natagpuan sa gilid ng national highway sa Barangay South Manuangan Pigcawayan North Cotabato dakong alas 6:45 ng umaga kanina.

Sa panayam ng DXVL News kay PSI Donald Cabigas, hepe ng Pigkawayan PNP na nakita ng mga sibilyan ang isang kulay itim na bag na iniwan sa gilid ng kalsada sa Brgy South Manuangan 200 metro ang layo mula sa outpost ng PNP-12 Regional Public Safety Battalion.

1 utas, 3 sugatan sa karahasan

(North Cotabato/ January 20, 2015) ---Napatay ang 29-anyos na lalaki matapos barilin ng di- kilalang gunman sa bisinidad ng spring site sa Barangay Bagua Tres Cotabato City, Maguindanao kamakalawa.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya,  nakaupo lamang ang biktimang si Gilbert Samuigid Torquido nang bigla na lamang itong lapitan at barilin sa ulo ng gunman.

Sekyu tinodas ng tandem

(North Cotabato/ January 19, 2015) ---Napaslang ang 38-anyos na security guard makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem gunmen sa harapan ng Barter Trade sa Gov. Gutierrez Avenue, Barangay Rosary Heights 7 sa Cotabato City, Maguindanao kahapon ng umaga.

Kinilala ni P/Senior Insp. Reynaldo Delantin ang biktima na si Reynold Datulayta Cantila ng San Vicente Street sa Barangay Bagua 3 sa nasabing lungsod.

Lalaki, huli sa inihaing Warrant of Arrest ng Midsayap PNP kaugnay sa illegal na droga

(Midsayap, North Cotabato/ January 20, 2015) ---Kalaboso ang isang lalaki matapos maaresto dahil sa illegal na droga sa Poblacion 7, Midsayap North Cotabato alas 4:00 ng madaling araw kahapon.

Ayon kay Supt. Reinante Delos Santos, hepe ng Midsayap PNP na kanilang ni-raid ang tatlong bahay sa Poblacion subalit pagdating ng pulisya kasama ang Special Action Forces-Midsayap ay wala na duon ang mag asawang sina Queni Indayla at Ameryl Invon at isang alyas Marco lamang ang nanduon sa lugar.

Mga karapatan ng mga kasambahay tiniyak ng DOLE 12

(Kabacan, North cotabato/ January 20, 2015) ---Tiniyak ng Department of Labor and Employment o DOLE 12 na matatamasa ng mga kasambahay ang kanilang mga karapatan alinsunod sa ipinatupad na Kasambahay Law.

Ang Batas Kasambahay o Kasambahay Law, RA 10361 ay naipatupad noong Hunyo 4 taong 2013.

BREAKING NEWS: Kabacan Public Market, binulabog ng pagsabog

(Kabacan, North Cotabato/ January 19, 2015) ---Isang Improvised Explosive Device o IED ang sumabog sa Public Market ng Poblacion, Kabacan, Cotabato pasado alas 6:00 ngayong gabi lamang.

Sa panayam ng DXVL News kay Kapitan Mike Remulta na isang market guard ang nakakita sa nasabing isang kahina-hinalang sako ng bigas kaya mabilis nitong inireport sa kapulisan.

Hummer vs. Bike; 1 dedo!

Courtesy: FB of Graceshine
(North Cotabato/ January 19, 2015) ---Patay ang isang 21-anyos na lalaki makaraang makabangga ang sinasakyang motorsiklo nito sa isang Hummer Jeep sa nangyaring aksidente sa highway ng Kinuskusan, Bansalan, Davao del Sur kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Ariz Gotoman Obedencia na isang field agronomist na taga Salunayan, Midsayap, North Cotabato.

DOLE XII, hinikaya’t ang mga employer na ipalista ang kanilang mga kasambahay kasabay ng “Araw ng Kasambahay”

(North cotabato/ January 19, 2015) ---Hinikaya’t ngayon ng Department of Labor and Employment o DOLE XII ang mga kasambahay na magpalista na sa kanilang tanggapan.

Sa panayam ng DXVL News kay Technical Support Services Division Head ng DOLE 12 Ruby Carrasco upang kanila umanong makita kung ilan na ang kasambahay sa rehiyon.

22-anyos na lalaki, arestado sa pagdadala ng illegal na droga

(Kabacan, North Cotabato/ January 19, 2015) ---Kulungan ang bagsak ng isang 22-anyos na lalaki makaraang mahulihan ng ipinagbabawal na droga sa Kabacan, Cotabato alas 1:30 ng medaling araw nitong Sabado.

Kinilala ni PCI Ernor Melgarejo, hepe ng Kabacan PNP ang suspek na si Allan Guiamblang, 22 taong gulang, residente ng Kilada, Matalam, Cotabato.

Magsasaka, tumba sa droga!

(North Cotabato/ January 19, 2015) ---Pinaniniwalaang dahil sa illegal na droga kaya pinaslang hanggang sa mapatay ang isang magsasaka sa Barangay New Cebu, Pres. Roxas, North Cotabato Sabado ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Kaharodin Kusain Lumambas, 23-anyos, magsasaka na taga Purok Krislam, Matalam, North Cotabato.

Batay sa inisyal na ulat ng pulisya, sapilitang isinakay umano ang biktima sa isang motorsiklo at dinala sa bahagi ng Brgy New

Beteranong mamamahayag at dating Spokesperson ni Gov. Lala, pumanaw na

(North Cotabato/ January 19, 2015) ---Tuluyan ng iginupo ng kanyang kumplikadong karamdaman si Gaudencio Romeo Plaza Manangkil o mas kilala sa tawag na “Boy Managquil” matapos na sumakabilang buhay na ito sa Cotabato Provincial Hospital alas 4:00 ng hapon noong Biyernes.

Ito ang kinumpirma sa DXVL News ni Executive Secretary to the Governor Jessie Ined.

Tower ng NGCP, muling pinasabugan!

(North cotabato/ January 18, 2015) ---Muling pinasabugan ng mga di pa nakilalang mga salarin ang main line post ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP sa bahagi ng Brgy. Batulawan, Pikit, Cotabato alas 8:30 ngayong gabi lamang.

Sa Police report, wala namang may naiulat na nasaktan o nasawi sa nasabing pagsabog pero nag dulot ito ng takot sa mga residente doon.

Ang pinangyarihan ng insidente ay di lamang kalayuan sa Batulawan Elementary School.