Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

IED, narekober sa National Highway sa NCot

(North Cotabato/ January 20, 2015) ---Isang malakas na uri ng Improvised Explosive Device (IED) ang natagpuan sa gilid ng national highway sa Barangay South Manuangan Pigcawayan North Cotabato dakong alas 6:45 ng umaga kanina.

Sa panayam ng DXVL News kay PSI Donald Cabigas, hepe ng Pigkawayan PNP na nakita ng mga sibilyan ang isang kulay itim na bag na iniwan sa gilid ng kalsada sa Brgy South Manuangan 200 metro ang layo mula sa outpost ng PNP-12 Regional Public Safety Battalion.

Nang itoy tingin ng mga pulis ay naglalaman ng isang bala ng 105 mm howitzers cannon,mga wirings at handheld radio bilang triggering mechanism.

Agad pinigil ang mga sasakyan ng mga pulis at temporaryong isinara ang national highway
Dumating agad ang mga tauhan ng Explosive Ordnance Disposal Team ng Philippine Army at kusang pinasabog ang bomba.

Marami ang naniniwala na posibling pasasabugin ang bomba sa mga matataong lugar ngunit iniwan ng mga suspek sa gilid ng national highway nang Makita nito ang pinaigting na seguridad ng pulisya at militar. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento