(North Cotabato/ January 21, 2015) ---Naging
matagumpay ang taunang Halad Festival sa Midsayap, Cotabato na nagtapos nito
lamang linggo na may temang: “Mapasalamatong Pagpahinumdom, Pagpuyo nga
Kristohanon, Malaumong Pagpanaw Duyog ni Seňor Sto. Niňo.”
Kaugnay nito, gabi ng Huwebes ay nagtagisan
ang pitong dilag sa kanilang isinagawang Mutya ng Halad Festival at itinanghal
si Shanda Mae Bediot bilang Mutya ng Halad Festival 2015.
Maliban sa nasabing pageant tampok rin ang
ibat ibang mga aktibidad kagaya ng Nightly Cultural Presentation, Motocross,
Agro-trade Display, Novena Masses, Fashion to Fame, at konsyerto na tampok ang
mga celebrity guests and performers.
Base sa resulta na nakuha ng DXVL team na
ibinigay ng Street Dancing Committee naiuwi ng San Isidro District ang
kampeonato sa Local Category na may gantimpalang P50,000 sa isinagawang Indakan
sa Kadalanan o Street Dancing na isa sa mga Highlight ng kapiestahan.
Naging 1st placer naman ang St. Jude College
of Science and Technology, 2nd placer Midsayap Delangalen National High School
at 3rd placer naman ang St. Mary’s Academy.
Samantala sa Open Category naman, nasungkit
ng Dalapitan National High School ng Matalam na may premyong P150,000.00.
Sa kabuuan naging matiwasay ang nasabing
kapiestahan. USM Devcom Intern Rizalyn Launio
0 comments:
Mag-post ng isang Komento