Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Tower ng NGCP, muling pinasabugan!

(North cotabato/ January 18, 2015) ---Muling pinasabugan ng mga di pa nakilalang mga salarin ang main line post ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP sa bahagi ng Brgy. Batulawan, Pikit, Cotabato alas 8:30 ngayong gabi lamang.

Sa Police report, wala namang may naiulat na nasaktan o nasawi sa nasabing pagsabog pero nag dulot ito ng takot sa mga residente doon.

Ang pinangyarihan ng insidente ay di lamang kalayuan sa Batulawan Elementary School.


Hindi pa ngayon matukoy ng mga kapulisan kung anung uri ng pampasabog ang ginamit ng mga ito kungsaan nagsasagawa pa lamang ng imbestigasyon ang Explosive Ordnance Disposal team hanggang sa mga oras na ito.

Nagdulot naman ng mahabang brownout ang nasabing insidente kungsaan nakaranas ng pagkawala ng kuryente ang ilang bahagi ng South Central Mindanao partikular na ang bayan ng Pikit, Midsayap hanggang sa Cotabato City.

Ito na ang ikalawang insidente ng pagpapasabog sa Transmission line ng NGCP noong nakaraang Martes, January 13 alas-9:10 ng gabi ay pinasabugan din ang transmission tower #26 ng NGCP sa Barangay Galakit, bayan ng Pagalungan, Maguindanao.

Sa lakas ng pagsabog ay nawasak at bumigay ang nasabing transmission tower na nagsu-supply ng kuryente sa Cotabato City, North Cotabato at ilang bahagi ng Maguindanao.

Ang insidente ay nagdulot din ng mahigit dalawang oras na blackout sa mga naapektuhang lugar.

Narekober ng tropa ng militar at ng lokal na pulisya ang mga fragments ng mortar habang naibalik naman ang serbisyo ng kuryente bandang alas-11:45 ng gabi.

Sa kasalukuyan ay wala pang grupo na umaako sa naganap na pagpapasabog pero sa kabila nito ay nakita ang mga markings sa cellular phone ng tatak ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters rebels. Rhoderick Beñez



0 comments:

Mag-post ng isang Komento