(North
Cotabato/ January 19, 2015) ---Tuluyan ng iginupo ng kanyang kumplikadong
karamdaman si Gaudencio Romeo Plaza Manangkil o mas kilala sa tawag na “Boy
Managquil” matapos na sumakabilang buhay na ito sa Cotabato Provincial Hospital
alas 4:00 ng hapon noong Biyernes.
Ito
ang kinumpirma sa DXVL News ni Executive Secretary to the Governor Jessie Ined.
Si
Manangquil ay naging anchor ng iba-iba't mga radio stations kungsaan tumagal ito sa broadcast industry bago naging tagapagsalita noon ni
Cot. Gov. Lala Mendoza.
Pumanaw
si Manangquil sa edad na 62 taonggulang.
Samantala,
sumakabilang-buhay na rin ang dating brodkaster ng Kabacan na si Alberto M.
Martinez noong a-15 ng Enero taong kasalukuyan sa sakit na pneumonia at UTI sa
edad na 57 anyos.
Matatandaang
binaril si Martinez noong April 10, 2005 na tinamaan ito sa likuran at tumagos
ang isang bala sa kanyang atay na naging sanhi ng inpeksyon sa kanyang urinary
tract dahil sa adbokasiya nito sa pagsugpo ng kriminalidad at droga sa bayan.
Hindi
na kinaya ng sistema ni Martinez at lumala ang UTI nito na dahilan ng kanyang
pagpanaw. Sa panayam ng DXVL sa kanyang anak na si Sophia Angelica P. Martinez
mailalarawan ito bilang isang mabuting ama sa pamilya nito.
Sa
ngayon, nakahimlay ang kanyang bangkay sa kanilang bahay sa North Sinamar,
Upper Paatan, Kabacan, Cotabato habang pinagpaplanuhan ng kanyang pamilya kung
saan ito ihahatid sa kanyang huling hantungan sa darating na Sabado. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento