Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

DA Kabacan hinikayat ang mga magsasaka sa Flood and Drought Areas na mag-apply ng Crop Insurance sa PCIC

(Kabacan, North cotabato/ January 22, 2015) ---Hinikayat ng Local Government Unit Department of Agriculture Kabacan ang mga magsasaka sa Flood and Drought Prone Areas na mag-apply ng Crop Insurance sa Philippine Crop Insurance Corporation o PCIC, ito ay ayon kay Agriculture Report Officer Tessie M. Nidoy.

Dagdag pa niya ang Crop Insurance ay nasa ilalim ng programang WARA o Weather Adverse Rice Areas ng Department of Agriculture at ang ikinaganda umano ng programang ito ay, ito ay libre at walang anumang babayaran ni kusing ang mga magsasaka at ang gagawin lamang nila ay magfill-up ng form.


Sa katunayan pa raw ay nakapagbigay ang kanilang tanggapan ng mahigit P200, 000 noong Disyembre ng nakaraang taon at mahigit P100, 000 noong ika-8 ng Enero, taong kasalukuyan.

Nakiusap rin si Nidoy na dapat siguraduhin ng mga magsasaka na lalapitan nila ang kanilang mga Agricultural Technologies sa area o sa mismong barangay o kung hindi ay pumunta sila sa mismong tanggapan ng LGU Department of Agriculture Kabacan upang makapag-apply ng Crop Insurance. Lynneth Oniot


0 comments:

Mag-post ng isang Komento