Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Ekonomiya sa bayan ng Kabacan hindi na apektuhan sa kabila ng mga insidente sa bayan ---Mayor Guzman

(Kabacan, North Cotabato/ January 21, 2015) ---Iginiit ngayon ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., na hindi na apektuhan ang ekonomiya ng bayan ng Kabacan sa kabila ng pagpapasabog ng improvised explosive device o IED.

Ginawa ng opisyal ang pahayag sa DXVL News habang ito ay nag-iikot a mga pangunahing kalye ng bayan at sa merkado publiko ng bayan kungsaan nangyari ang pagsabog ng ied nitong nakaraang gabi.


Aniya, business as usaual pa rin sa bayan ng Kabacan at may kumpyansa pa rin ang mga mamamayan at hindi naman naapektuhan ang kalakaran ng negosyo sa bayan.


Dagdag pa ni Guzman na magbibigay ng pabuya sa sinomang makapagtuturo ng naglagay ng IED ayon sa napag usapan sa ginawang pagpupulong kahapon kasama si Gov. Lala Taliño Mendoza at LGU Kabacan. Rhoderick Benez and Christine Limos

0 comments:

Mag-post ng isang Komento