(Kabacan, North Cotabato/ January 22, 2015)
---Isa ang pagpapanatili ng kapayapaan sa Bayan ng Kabacan sa mga tinututukan
ng kasalukuyang administrasyon.
Ito ang sinabi sa DXVL News ni Mayor Herlo
Guzman Jr., kungsaan ipinagmalaki nitong malaking porsiento ng kriminalidad ang
napababa sa kanyang administrasyon.
Inihayag din ng punong ehekutibo ang mga
proyekto na nagawa ng LGU Kabacan sa taong 2014.
Sinabi ng opisyal na isa sa highlight ng
proyekto ay ang pagbibigay ng handheld radio sa mga barangay upang mapa igting
ang seguridad sa bayan ng Kabacan.
Ipinagmalaki din niya ang paglagay ng center
island sa national highway upang maibsan ang trapiko, ganun din ang paglalagay
ng solar lights at ang pagbibigay ng mga multicabs para sa transportation ng
mga pasyente mula sa baranggay at iba pang proyekto.
Ibinunyag din ng alkalde na malaki ang IRA
ng Kabacan at kaya umano nitong tugunan ang mga pangangailangan ng mga barangay
na nasasakupan nito.
Ang mga inisyatibong proyekto ng opisyal ay
pinonduhan ng lokal na pamahalaan at hindi ito nanggagaling sa National Fund.
Bago na rin ang kanyang slogan ngayong 2015
na “Si Mayor madaling lapitan, Si Mayor Madaling hanapin upang mas makapagsilbi
sa mga mamamayan ng Kabacan”, wika pa ni Guzman. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento