(Kabacan,
North Cotabato/ January 20, 2015) ---Abot sa 39 katao ang nagpositibo sa sakit
na Sexually Transmitted Infection o STI sa bayan ng Kabacan noong nakaraang
taon.
Ito ayon
kay Disease Surveillance Coordinator Honey Joy Cabellon.
Sinabi
ni Cabellon na karamihan sa mga sakit na ito ay Syphilis kungsaan saan ay datos
ay buhat mula sa iba’t-ibang mga ospital sa bayan ng Kabacan.
Kaugnay
nito patuloy naman ang ginagawang Information Education Campaign ng RHU Kabacan
upang maiwasan ang nasabing sakit, ito ayon kay HIV Coordinator Ruth Passion.
Napag-alaman
na ang sakit na Syphilis ay isang uri ng sakit na nakukuha sa pakikipagtalik.
Nalilipat ang sipilis sa ibang tao sa pamamagitan
ng pakikipagtalik sa isang taong mayroon ng sakit na ito.
Maaari ring makahawa ang taong may karamdaman
dahil sa pagsasalin ng dugong kontaminado na ng bakterya, at maging sa
paghihiraman lamang ng mga heringgilyang madudumi.
hinikayat ni Pasion ang mga mamamayan na
boluntaryong magtungo sa Health Center upang macheck-up ang mga may sakit at ma
inform sila tungkol sa nasabing sakit. Rhoderick
Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento