Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Kuya pinatay ng kapatid dahil sa awayan sa lupa sa Santa Maria, Davao del Sur

(SANTA MARIA, Davao del Sur/April 14, 201) ---Nagmistulang kwento ng magkapatid na Cain at Abel sa Lumang Tipan ng Bibliya ang nangyari sa magkapatid na Julian at Elias Bayot sa bayan ng Santa Maria, Davao del Sur.
      
Tinaga hanggang sa mapatay ng nakababatang si Julian ang kuya niya’ng si Elias, 34, nang magtalo sila tungkol sa iniwang lupa ng kanilang namayapang mga magulang.

Naganap ang krimen sa mismong bahay ng magkapatid sa Barangay Basiawan, kamakalawa.

3 sugatan sa isang vehicular accident na naganap sa Kidapawan City

(Kidapawan City/April 14, 2012) ---Nagtamo ng mga sugat sa ulo ang driver ng tricycle at dalawang sakay na pasahero nang sumalpok ang sasakyan nila sa kasalubong na 10-wheeler truck sa Barangay Paco, Kidapawan City, alas-845 kagabi.

Kinilala ang mga sugatan na sina Henry Modrial Ferolin, 42, driver ng tricycle; at mga pasahero na sina Nilo del Rosario, 42, at Edwin Dulay, 29, pawang taga-Barangay Paco.

Ayon kay Police Officer 1 Ian Dave Almendral, umiwas ang tricycle sa sinusundang motorsiklo pero ‘di nito namalayan ang pagdating ng truck kaya ito sumalpok doon.

3 patay; 33 sugatan sa pagsabog ng granada sa Aleosan, North Cotabato

(Aleosan, North Cotabato/April 14, 2012) ---Tatlo ang patay habang 33 naman ang nasugatan sa pagsabog ng granada ala 1:45 ngayong hapon lamang sa isang sabungan sa Sitio Lapu-Lapu, Brgy. Lawili, Aleosan, North Cotabato.
Ito ang kinumpirma sa DXVL – Radyo ng Bayan ni Mayor Loreto Cabaya sa panayam ngayong gabi kungsaan isa ang dead on the spot habang dalawa naman dito ang dead on arrival sa ospital.

Kinilala ni Mayor Cabaya ang mga sugatan na sina Jose Mario dela Peña,42; Fermin Caluquim at Vicente Sabando lahat ay residente ng nabanggit na brgy.

Pagpapatayo ng GPP-EDC dapat may MOA- ayon sa opisyal ng Kidapawan City

(Kidapawan City/April 13, 2012) ---Hangga’t walang nakasaulat sa memorandum of agreement o MoA na dapat mabigyan ng direktang suplay ng kuryente ang North Cotabato mula sa planta ng geothermal power project ng Energy Development Corporation o EDC sa Mount Apo walang endorsement na mangyayari.

Ito ayon kay Kidapawan City councilor Lauro Taynan na dapat ay ilagay sa memorandum of agreement o MoA na mabigyan ng direktang suplay ng kuryente ang North Cotabato mula sa planta.
         
Hanggang ngayon kasi, nakabinbin pa rin ang hinihinging endorsement ng EDC mula sa city LGU.

3 araw na Summer Peace Kids Camp; nagsimula na sa bayan ng Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/April 13, 2012) ---Abot sa mahigit sa isang libu at apat na raang mga grade five pupils sa iba’t-ibang paaralang elementarya dito sa bayan ng Kabacan ang sumailalaim ngayon sa tatlong araw na 2nd Gov. Lala Taliño Mendoza summer Peace Kids Camp.
Zaynab Ampatuan

Ayon sa pamunuan ng LGU Kabacan ang nasabing aktibidad ay nagsimula kahapon at magtatapos sa araw ng bukas, April 14.

Ilan sa mga aktibidad kanina ay isinagawa dito sa loob ng USM compound kagaya ng Sports at leadership training at iba pa.

Ang nasabing aktibidad ay katuwang ang provincial government sa pangunguna ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza at ng LGU Kabacan sa pamumuni ni Kabacan Mayor George Tan.

Pagpapatigil sa shutdown ng Pulangi-4 hydroelectric power plant hiniling ng mga electric co-op sa Mindanao

(Cotabato Province/April 13, 2012) ---Nais ng ilang mga electric cooperative sa Mindanao na hilingin sa National Power Corporation o Napocor na ‘wag muna’ng ipatupad ang preventive maintenance ng Pulangi-4 hydroelectric power plant.

Ang kahilingan ginawa ng South Cotabato Electric Cooperative o SOCOTECO at ang Cotabato Electric Cooperative o COTELCO.
         
Ang Socoteco at Cotelco ay kapwa kasapi ng Association of Mindanao Electric Cooperatives o AMRECO.

Waste to Energy technology, nakikitang solusyon sa Mindanao power crisis


(Midsayap, North Cotabato/April 13, 2012) ---Inilatag ng mga kinatawan ng Institute of Integrated Electrical Engineers o IIEE- Cotabato Chapter ang posibleng solusyon sa nararanasang power crisis ngayon sa Mindanao sa isinagawang caravan campaign sa Kapayapaan Hall, Congressional District Office of Hon. Jesus Sacdalan sa Midsayap, North Cotabato.

Ayon kay Engr. Antonio Herrera na siyang consultant ng Proposed Agricultural and Household Waste Utilization for Energy Generation Project, gagamitin sa proyektong ito ang mga agricultural wastes at household wastes upang maka- generate ng karagdagang supply ng kuryente.

Remnants ng mga Notorius Al-Khobar Group; itinuturong nasa likod ng pagpapasabog ng bus sa Carmen, North Cotabato


(Carmen, North Cotabato/April 13, 2012) ---Dalawang mga pinaniniwalaang mga remnants ng notorious Al-khobar group ang nasa likod ng pinakahuling pambobomba sa Carmen, North cotabato na ikinamatay ng tatlo katao at ikinasugat ng 17 iba pa.

Ito ayon kay P/SSupt. Cornelio Salinas, Provincial director ng North Cotabato matapos na matukoy ng ilang mga testigo batay sa ipinakitang photos of gallery ng mga most wanted criminal sa Southwest Mindanao.

Trabahante ng tubo patay sa pananaga sa Kidapawan City

(Kidapawan City/April 12, 2012) ---Dead on Arrival sa ospital ang isang 39-anyos na trabahante ng plantasyon ng tubo sa Kidapawan City makaraang magtamo ng labin dalawang sugat sa iba’t-ibang katawan nito alas 5:00 ng umaga kamakalawa.

Kinilala ng Kidapawan City PNP ang biktima na si Bobby Sampangon Sulayman.

Si Sulayman ay pinagtataga ng limang mga lalaki, ayon sa report.

Patay na nang ihatid sa pinakamalapit na ospital ang biktima.

Libung halaga ng pera; nawawala sa isang Department ng Kolehiyo

(USM, Kabacan, North Cotabato/April 12, 2012) ---Naglahong parang bula ang pera na sana’y pambayad sa request ng mga estudyante sa kukuning subject ngayong summer makaraang matangay ito dakong alas 11:30 kaninang umaga sa Mathematics Department ng Pamantasang ito.

Ayon kay Prof. Margie Requita abot sa P10,800 ang nilimas ng di pa nakilalang salarin.

Ang pera ay nakalagay sa taas ng mesaa at naka-staple ng iwanan ng isang estudyante na nakilalang si Joyce Adolacion, ang leader sa klase.

(Update) Suspek sa pagpapasabog sa North Cotabato; tukoy na ng mga otoridad

(Amas, Kidapawan city/April 12, 2012) ---Inihahanda na ngayon ng cotabato Provincial Police Office ang kasong isasampa laban sa suspetsado na responsible sa pagpapasabog ng rural Transit Bus na may biyaheng Tacurong papuntang Cagayan de Oro city kahapon ng umaga.

Ayon kay PSSUPT. Cornelio Salinas, ang nasabing suspetsado ay idinadawit rin sa nakaraang mga pamabobomba sa probinsiya ng North Cotabato.

Namatay sa pagsabog ng rural transit Bus, nadagdaga pa ng 1; Extortion nakikitang motibo sa pagpapasabog Bus sa Carmen, North Cotabato

(Carmen, North Cotabato/April 12, 2012) ---Extortion o pangingikil ang nakikitang motibo ng mga otoridad sa pagpapasabog ng Rural Transit Bus habang papasok ito kahapon ng umaga sa Public Terminal ng bayan ng Carmen.

Ito ayon kay P/Senior Supt. Cornelio Salinas ang hepe ng Cotabato Provincial Police Office kungsaan agad na inalerto rin nito ang kanyang mga tauhan sa buong probinsiya bilang hakbang na ginagawa nila ngayon matapos na malusutan na naman ang mga ito ng masasamang loob.

Kinilala naman ni P/Chief Inspector Jordine Maribojo ang hepe ng Carmen PNP ang namatay na sina Gladzin Himpiso, 10 at Rona Mae Causing 18.

Sa panayam ngayong umaga ng DXVL – Radyo ng Bayan kay Rahid Abas, personnel ng MSWDO-Carmen, nabatid na nadagdagan na ng isa ang nasawi sa nasabing pambobomba.

(Latest update) 2 patay 17 sugatan sa pagsabog sa Carmen, North Cotabato; suspek tukoy na ng mga otoridad


(Carmen, North Cotabato/april 11, 2012) --- Kinumpirma sa DXVL – Radyo ng bayan ngayong hapon lamang ni PSSUPT. Cornelio Salinas, Cotabato Provincial Director na dalawa lamang ang nasawi habang 17 naman ang sugatan sa pagsabog ng isang improvised explosive device na gawa sa 60mm mortar na inilagay sa loob ng isang Rural Transit Bus sa bayan ng Carmen, North Cotabato dakong alas 10:40 kaninang umaga.

Kinilala naman ni P/Chief Insp. Jordine Maribojo, hepe ng Carmen, PNP ang mga binawian ng buhay na sina Gladzin Himpiso, 10 at Rona Mae Causing.
 
Samantala narito naman ang mga pangalan ng mga sugatan:
1. Guiariah Danggo
2. Marvin Marvicnal
3. Basilisa Aninipot
4. Sonny Balanag
5. Leo Limsiano, 44, Negros Occidental
6. Alvin Diaz

BREAKING NEWS! 2 patay, 5 sugatan sa pagsabog sa Carmen, North cotabato

(Carmen, North Cotabato/April 11, 2012) ---Isang pinaniniwalaang improvised explosive device ang sumabog dakong alas 10:40 ngayong umagal lamang sa Carmen public Terminal, Carmen, North Cotabato.

Sa panayam kay P/Ins Jordine Maribojo, 2 na ang napaulat na namatay habang lima naman ang sugatan.

Dagdag-sahod sa Soccsksargen Region ipatutupad sa susunod na linggo

(Koronadal City/ April 11, 2012) ---Simula  sa  Abril 18,   ipatutupad  na unang   bugso  ng   dagdag-sahod  para sa  mga  manggagawa  sa  pribadong sektor  sa  buong  Soccsksargen  Region.

Batay  sa  Wage Order No. 17 ng  Regional  Tripartite  Wages  and  Productivity  Board ng  Rehiyon 12 na sinimulang  inilathala  noong Abril 4,   anim na pisong  cost  of living  allowance  ang idadagdag sa  arawang  sahod ng mga  manggagawa sa   retail at  service  sector,  walong piso  sa  agriculture  sector, at  sampung  piso  sa  non-agriculture  sector.

Hatol na kamatayan para kay PNoy, 16 iba pa na sinasabing responsable sa pagpatay sa pari’ng Italyano inilabas ng NPA

(Kidapawan city/April 11, 2012) ---Kasama sa hinatulan ng kamatayan dahil sa salang pagpatay kay Father Fausto Tentorio, PIME., ang presidente ng Pilipinas na si Benigno Simeon Aquino III.
         
Ang indictment ay may petsa’ng December 11, 2011 pero inilabas ito ng Merardo Arce Command ng NPA Southern Mindanao Regional Operations Command sa isang press statement, kamakalawa.
         
Maliban kay PNoy, kasama ring hinatulan ng kamatayan ng NPA sina Defense Secretary Voltaire Gazmin; AFP chief of staff Lt. Gen. Jessie Dellosa; at anim pang mga opisyal ng AFP Eastern Mindanao Command.

Gobyerno may pagkukulang sa problema sa Mindanao

(Kabacan, North Cotabato/April 10, 2012) ---Aminado ngayon ang tinaguriang whistle blower ng NBN-ZTE scandal na si Joey De Venecia III na may pagkukulang ang pamahalaan sa mga problemang kinakaharap ng Mindanao.

Isa na dito ang krisis sa enerhiya o ang kakulangan sa supply ng kuryente, aniya dapat umanong magtulungan ang gobyerno at ang pribadong sektor para magpatayo ng mga hydro power plant.

Ito ang sinabi ng opisyal sa isang ambush interview ng DXVL – Radyo ng Bayan kaninang umaga kasabay ng graduation commencement ng USM kungsaan si De Venecia ay bisita ng Pamantasan.

Ito ang nakikitang sagot ng batang De Venecia sa lumalalang problema sa krisis sa enerhiya sa Mindanao.

“Edukasyon sagot sa pag-ahon sa kahirapan at kamangmangan” –VP Binay

(USM, Kabacan, North Cotabato/April 10, 2012) ---Binigyang diin ni Vice President Jejomar “Jojo” Binay sa kanyang naging mensahe kaninang umaga na ang edukasyon ang sagot sa pag-ahon sa kahirapan at kamangmangan ng bawat isa.

Ito ang naging pahayag ng opisyal sa harap ng 1,932 na mga mag-aaral ng University of Southern Mindanao kasama na ang mga magulang at mga guro sa isinagawang ika-66th Commencement Exercises ngayong araw.

Sinabi pa ng opisyal na dapat lahat ay magsumikap at sasamahan ng mahusay na edukasyon labis umanong lalawak ang mararating ng isang tao.

Kaugnay nito, hinamon din ng pangalawang pangulo ng bansa na ang pinagpalang pagtatapos ng bawat mag-aaral ng USM ngayong araw ay may bungang pananagutan sa pamilya, pamantasan at kapwa Pilipino.

Aniya, ang tunay na saysay ng pinag-aralan ng mga mag-aaral ay nakabatay sa kakayahan na gamitin ang dunong upang maglunsad ng kabutihan sa bawat kinalalagyan.

Mindanao posibleng makakaranas ng mahabang black-out sa susunod na linggo

(Kidapawan City/April 10, 2012) ---Posibleng dumanas ang Mindanao ng mahaba-habang blackout sa susunod na linggo.

Ito ay pagkatapos i-anunsyo ng Department of Energy o DoE na sa April 17 ay sasailalim sa preventive maintenance ang Pulangi-4 hydro-electric power plant na nasa Bukidnon province.
         
Ang planta ay nagsu-suplay ng kuryente ng halos 180 megawatts para sa Mindanao grid.

BS tourism student; nanguna sa may 1,932 na mga gagraduate ngayong araw sa USM

(USM, Kabacan, North Cotabato/April 10, 2012) ---Nanguna bilang batch 2012 Magna Cum Laude si Dianne Cristel Marasigan Basilio, BS tourism mula sa College of Human Ecology and Food Sciences sa may 1,932 na magsisipagtapos ngayong araw sa Pamantasan ng Katimugang Mindanao.

Dianne Cristel Marasigan Basilio
Sa panayam ng DXVL kay Basilio sinabi nitong “time management is a key to success” lalo na ang suporta ng kanyang Pamilya at sa tulong ng Panginoon kung bakit nito naabot ang tagumpay sa kanyang pag-aaral.

Aniya, lubos din nitong pinasasalamatan ang kanyang mga magulang, kaklase at kaibigan na naging inspirasyon din nito para lalo pang sumikap sa pag-aaral.

Bilang estudyante at kasapi ng University Modern Dance Troupe ay kaya nitong pagsabayin ang kanyang oras sa pag-aaral at pagsasayaw na siya’ng hinahangaan ng iba.

Maaga pa kanina ay punong-puno na ng mga gagraduate, mga magulang at bisita ang paligid ng Pres. Asinas Amphitheater na nasa USM Main Campus kungsaan

Pambansang Soberanya at Patrimonya sigaw ng ANAKBAYAN sa araw ng Kagitingan

(Kabacan, North Cotabato/April 9, 2012) ---Makatotohanang pambansang soberanya at patrimonya ang sigaw at panawagan ng militanteng grupo ng mga kabataan sa paggunita sa araw ng kagitingan ngayong araw.

IKinalulungkot ng grupong ANAKBAYAN na sa kabila ng paggunita sa araw ng kagitingan hindi naman umano binibigyang  pansin upang kilalanin ang tunay na pambansang soberanya at patrimonya ng ating bansa.

Ayon kay Darwin Rey Morante, tagapagsalita ng ANAKBAYAN North Cotabato ginugunita diumano ang pagkilala sa mga bayaning nagbuwis ng buhay para sa pagkamit ng tunay na demokrasya at kalayaan subalit sa kabila nito nananatili umano ang pagiging tuta ng administrasyong PNoy sa mga amo nitong kano.

Opisyal ng isang brgy sa Kidapawan city; patay sa pamamaril

(Kidapawan City/April 9, 2012) --- Patay ang isang barangay kagawad nang barilin ng mga di pa nakilalang mga salarin alas 8:30 kagabi sa lungsod ng Kidapawan.

Kinilala ng Kidapawan city PNP ang biktima na si Pedring Tuan, may asawa at residente ng Barangay New Meohao.

Ayon sa ulat ng pulisya, naglalakad ang biktima sa harap ng Holy Mediatrix Cathedral sa bahagi ng National Highway ng biglang sumulpot ang mga riding in tandem na mga suspek at pinagbabaril ito

Kawani ng DepEd Maguindanao pinagbabaril patay sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/april 9, 2012) ---Dead on Arrival sa ospital ang isang 52-anyos na ginang makaraang pagbabarilin sa mismong tinitirhan nitong boarding sa USM Avenue, Kabacan, Cotabato dakong ala 1:15 ngayong hapon.

Kinilala ng Kabacan PNP ang biktima na si Taya Sabal Las Marias, may asawa, kawani ng Department of Education Maguindanao at kasalukuyang nanunuluyan sa Cadi Boarding House ng nabanggit na lugar.

Empleyado ng MKWD arestado dahil sa kasong sexual harassment

(Kidapawan City/April 9, 2012) ---Arestado ng Kidapawan City PNP, sa pangunguna ni Sr. Insp. Sunny Leoncitio, hepe ng anti-vice and intelligence division, ang isang Rodrigo Gastan, empleyado ng Metro Kidapawan Water District (MKWD), matapos maaktuhan na mino-molestiya nito ang kanyang katulong sa isang videoke bar sa lungsod, kamakalawa ng hapon.
     
Ayon sa report, dinala ng suspect ang biktima sa Don-Don Resto Bar sa may KCCC kung saan doon ginawan ng kahalayan.
     
Naaktuhan siya ng mga operatiba ng PNP at hinuli noon din.

Pugante na halos 20 taon na nagtago muli’ng naaresto sa Arakan, N Cotabato


(Arakan, North Cotabato/April 9, 2012) ---Pagkatapos magtago ng 17 taon, muli’ng naibalik sa kulungan ang pugante na kinilalang si Cristitoto Tan matapos mahuli ng mga operatiba ng Arakan PNP, sa pangunguna ng kanilang hepe na si Chief Inspector Joeffrey Todenio.
     
Ayon kay Todenio, nahuli nila ang naturang pugante sa Barangay Katipunan ng Arakan – na halos ay nasa boundary na ng Calinan district, Davao City at Bukidnon province, dahil sa tulong ng isang government informant.

2 notorious drug couriers, tiklo ng mga otoridad sa Pikit, North Cotabato ; 1 pa at large

(Pikit, North Cotabato/April 9, 2012) ---Kamakailan lamang ay nahuli ng mga otoridad ang dalawang mga notorious drug couriers sa magkahiwalay na operasyon nila sa pamamagitan ng buybust at arrest warrant sa bayan ng Pikit, North Cotabato.

Kinilala ni PDEA Agent Michael Bryan Cruz ang mga suspetsado na sina Misuari Sapal, 36, residente ng Datu Piang ng nasabing bayan habang ang isa naman ay Gary Dawne Garcia residente rin ng nabanggit na lugar.

Si Garcia ay nahuli sa mismong bahay nito, kungsaan nakuha mula sa kanya ang 2pcs ng isang small heat plastic sachet na pinaniniwalaang shabu, 2 pcs P50.00 bill, 1 piraso ng foil at iba pang mga drug paraphernalia.

Cafgu patay sa pamamaril sa bayan ng Alamada, North Cotabato

(Alamada, North Cotabato/April 9, 2012) ---Hindi na umabot ng linggo ng pagkabuhay kahapon ang isang kasapi ng Special Civilian Armed Forces Geographical Unit Active Auxiliary makaraang pagbabarilin sa may Sitio Matin-aw, Brgy. Rangayen, Alamada, Cotabato dakong alas 4:00 ng hapon nitong Sabado.

Kinilala ni 6th Division Public Affairs chief Col. Prudencio Asto ang biktima na si Valerio Dapar residente ng Sitio Del Pilar ng nabanggit na bayan habang naka destino naman sa isang detachment ng sundalo sa may Brgy. Batolawan, Pikit, North Cotabato.

Daan-daang boarft. na illegal na troso; nakumpiska ng Carmen PNP

(Carmen, North Cotabato/April 9, 2012) ---Abot sa mahigit kumulang sa anim na daang boardfeet na iba’t-ibang klaseng mga kahoy ang nakumpiska ng mga otoridad alas 4:00 ng hapon nitong Miyerkules Santo sa Brgy. Malapag, Carmen, North Cotabato.

Nanguna sa nasabing kampanya kontra illegal logging si P/Insp. Jordine Maribojo ng Carmen PNP kasama si SP04 Romeo Amande at ilang mga brgy opisyal sa lugar.


Ang nasabing mga kahoy ay inabandona na pag dating mga pulisya sa nasabing brgy bagama’t naputol na sa iba’t-ibang laki.

Batay sa report wala umanong may umakong nag-mamay ari ng nasabing mga illegal lumber.

Seguridad sa pagdating ni Vice Pres Jejomar Binay sa bayan ng Kabacan; kasado na

(USM, Kabacan, North Cotabato/April 9, 2012) ---May inilatag ng seguridad ang Kabacan PNP maliban pa sa ilang mga paghahanda ng security groups sa pagdating ng isa sa mga pinakamataas na opisyal ng bansa sa bayan ng Kabacan bukas.

Ito ang tiniyak kahapon ni P/Supt. Joseph Semillano kungsaan si Vice Pres. Jejomar “Jojo” Binay ang magiging panauhing pandangal at tagapagsalita sa graduation rites ng University of Southern Mindanao sa araw ng bukas.

Paggunita ng Semana Santa sa Bayan ng Kabacan; naging mapayapa

(Kabacan, North Cotabato/April 9, 2012) ---Naging mapayapa sa kabuuan ang paggunita ng Semana Santa sa bayan ng Kabacan base sa assessment ng pulisya simula noong Linggo ng palaspas hanggang sa Linggo ng pagkabuhay o ester Sunday.
Ito ang napag-alaman ng DXVL Radyo ng Bayan ngayong umaga sa Kabacan PNP.
Una naring kinumpirma kahapon P/Supt. Joseph Semillano matapos na walang naitalang mga untoward incidents ang Kabacan sa buong paggunita ng Semana Santa.