Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pagpapatigil sa shutdown ng Pulangi-4 hydroelectric power plant hiniling ng mga electric co-op sa Mindanao

(Cotabato Province/April 13, 2012) ---Nais ng ilang mga electric cooperative sa Mindanao na hilingin sa National Power Corporation o Napocor na ‘wag muna’ng ipatupad ang preventive maintenance ng Pulangi-4 hydroelectric power plant.


Ang kahilingan ginawa ng South Cotabato Electric Cooperative o SOCOTECO at ang Cotabato Electric Cooperative o COTELCO.
         
Ang Socoteco at Cotelco ay kapwa kasapi ng Association of Mindanao Electric Cooperatives o AMRECO.

Ayon kay Vicente Baguio, spokesman ng Cotelco, napagkasunduan ng kanilang asosasyon sa ginanap na pre-energy summit noong nakaraang linggo sa Davao City na hilingin sa Napocor na ‘wag munang ipatupad ang power shutdown ng Pulangi-4.
         
Ito ay hangga’t ‘di pa naipapasok sa grid ang 100-megawatts na kuryente mula sa Iligan Diesel-fed Power Plant o IDPP sa Iligan City.
         
Nais kasi ng AMRECO na ipasok muna sa Mindanao grid ang kuryente mula sa IDPP bago gawin ang preventive maintenance sa Pulangi-4.
         
Kapag kasi nag-shutdown ng kuryente ang Pulangi-4, tiyak malaki ang madadagdagan sa kakulangan ng elektrisidad sa malawak na bahagi ng Mindanao.
         
At kasama, siyempre, sa maaapektuhan ang service areas ng Cotelco at ng Socoteco, ayon kay Baguio.
         
Nakatakda kasi na ipatupad ng Napocor ang preventive maintenance sa Pulangi-4, simula ngayong April 17.   Tatagal nang hanggang isang buwan ang shutdown ng naturang planta, ayon na rin sa report.

Kapag nangyari ito, tiyak na mahaba-habang blackout ang mararanasan ng taga-Mindanao, lalo na ang mga electric co-op na walang pinagmamay-ariang generator o standby power plant. 

0 comments:

Mag-post ng isang Komento