(USM, Kabacan, North Cotabato/April 10,
2012) ---Binigyang diin ni Vice President Jejomar “Jojo” Binay sa kanyang naging
mensahe kaninang umaga na ang edukasyon ang sagot sa pag-ahon sa kahirapan at
kamangmangan ng bawat isa.
Ito ang naging pahayag ng opisyal sa harap
ng 1,932 na mga mag-aaral ng University of Southern Mindanao kasama na ang mga
magulang at mga guro sa isinagawang ika-66th Commencement Exercises
ngayong araw.
Sinabi pa ng opisyal na dapat lahat ay
magsumikap at sasamahan ng mahusay na edukasyon labis umanong lalawak ang
mararating ng isang tao.
Kaugnay nito, hinamon din ng pangalawang
pangulo ng bansa na ang pinagpalang pagtatapos ng bawat mag-aaral ng USM ngayong
araw ay may bungang pananagutan sa pamilya, pamantasan at kapwa Pilipino.
Aniya, ang tunay na saysay ng pinag-aralan
ng mga mag-aaral ay nakabatay sa kakayahan na gamitin ang dunong upang
maglunsad ng kabutihan sa bawat kinalalagyan.
Naniniwala ang bise Presidente na kapag
ipagkakait umano ng bawat isa ang sarili sa hamong ito, tiyak anyang magiging mahirap
ang kaunlaran at kapayapaan sa bansang Pilipinas.
Dagdag pa nito na di na kailangang mag-isip
ng mga pambihirang pagkakataon upang makapaglingkod sa loob ng tahanan at
kabayanan bagkus ay hinamon nito ang bawat nagsipagtapos na tulungan din ang
kanilang mga nakababatang kapatid na makapag-aral tulad nila.
Iginiit pa nito na hindi dahilan ang
kahirapan para hind maging kanaisnais ang tirahan.
May pasaring din ito sa mga nagtatrabaho na
dapat ay ipamalas ang kabuuan at husay, walang dapat na panahon para ilaaan sa
“pwede na at bahala na”.
Kaugnay nito, hinikaya’t niya ang bawat isa
na makibahagi sa nasabing demokrasya sa pamamagitan ng tamang pagsusuri ng mga
kandidato, pagboto at paghikaya’t sa bawat mamamayan na mapagtibay ang
prosesong ito.
Sa kanyang pagtatapos ng kanyang mensahe,
sinabi nito sa mga grumadwet na ang mga hamon sa buhay ay hindi na masusukat sa
eksaminasyon, term paper at reports kundi sa pagsusumikap ng bawat isa.
Kabilang din sa mga dumalo sa nasabing
pagtatapos ay si Cotabato Gov. Emmylou “Lala” Talino Mendoza, ilang mga lokal
na opisyal ng bayan, kasama na si USM Pres Jess Antonio Derije at mga USM board
of Regents at USM Administrative council. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento