(Kabacan, North Cotabato/April 10, 2012) ---Aminado
ngayon ang tinaguriang whistle blower ng NBN-ZTE scandal na si Joey De Venecia
III na may pagkukulang ang pamahalaan sa mga problemang kinakaharap ng
Mindanao.
Isa na dito ang krisis sa enerhiya o ang
kakulangan sa supply ng kuryente, aniya dapat umanong magtulungan ang gobyerno
at ang pribadong sektor para magpatayo ng mga hydro power plant.
Ito ang sinabi ng opisyal sa isang ambush
interview ng DXVL – Radyo ng Bayan kaninang umaga kasabay ng graduation
commencement ng USM kungsaan si De Venecia ay bisita ng Pamantasan.
Ito ang nakikitang sagot ng batang De
Venecia sa lumalalang problema sa krisis sa enerhiya sa Mindanao.
Giit pa nito na may magagandang mga ilog ang
Mindanao na pwedeng pagpatayuan ng mga maliliit na planta na maka produce ng 1
o 2 megawatts na supply ng kuryente na di na nangangailangan ng diesel sa
pagpapatakbo ng generator.
Ito umano ang kanyang isusulong kung
papalarin siya na mabigyan ng mas mataas na responsibilidad.
Una dito, naniniwala ang opisyal na malaki
ang iniaambag ng Mindanao sa pagbigay ng pagkain sa buong Pilipinas.
Kaya naman dapat umanong suportahan ng
gobyerno ng Pilipinas ang Mindanao ayon pa kay De Venecia na ngayon ay
naiiwanan sa atensiyon ng gobyerno. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento