Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

3 araw na Summer Peace Kids Camp; nagsimula na sa bayan ng Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/April 13, 2012) ---Abot sa mahigit sa isang libu at apat na raang mga grade five pupils sa iba’t-ibang paaralang elementarya dito sa bayan ng Kabacan ang sumailalaim ngayon sa tatlong araw na 2nd Gov. Lala Taliño Mendoza summer Peace Kids Camp.

Zaynab Ampatuan

Ayon sa pamunuan ng LGU Kabacan ang nasabing aktibidad ay nagsimula kahapon at magtatapos sa araw ng bukas, April 14.

Ilan sa mga aktibidad kanina ay isinagawa dito sa loob ng USM compound kagaya ng Sports at leadership training at iba pa.

Ang nasabing aktibidad ay katuwang ang provincial government sa pangunguna ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza at ng LGU Kabacan sa pamumuni ni Kabacan Mayor George Tan.

Layon ng programa na hubugin ang mga kabataan sa murang edad pa lamang nila ang maging responsableng mamamayan sa lipunan na kanilang ginagalawan kagaya ng paglilinis sa kapaligiran, leadership at paghahanda maging sa sakuna.

Ngayong hapon itinampok naman ang Kuntaw Silat sa Peace Museum ng Kabacan Pilot elementary School.

Ayon kay Executive Director for Moro People’s Community Organization for Reform and Empowerment Zaynab Ampatuan ang Kuntaw Silat ay isang Martial Arts na ginagamit ng mga ninuno bilang panlaban sa mga nais sumakop sa bayan.


 Ito ay isang Martial arts ng Chinese na ipinakilala ng mga Indonesia sa ninunong mga Pilipinong Tausog at Maguindanaoan. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento