(Midsayap,
North Cotabato/April 13, 2012) ---Inilatag ng mga kinatawan ng Institute of
Integrated Electrical Engineers o IIEE- Cotabato Chapter ang posibleng solusyon
sa nararanasang power crisis ngayon sa Mindanao sa isinagawang caravan campaign
sa Kapayapaan Hall, Congressional District Office of Hon. Jesus Sacdalan sa
Midsayap, North Cotabato.
Ayon
kay Engr. Antonio Herrera na siyang consultant ng Proposed Agricultural and Household
Waste Utilization for Energy Generation Project, gagamitin sa proyektong ito ang
mga agricultural wastes at household wastes upang maka- generate ng karagdagang
supply ng kuryente.
Hindi
naman maiwasang magtanung ng mga kinatawan ng iba’t- ibang sektor na dumalo sa
natukoy na pagpupulong kung paano gagawin o maisasakatuparan ang nasabing
proposed project.
Sinabi
naman ni Engr. Herrera na may dalawa umanong paraan upang maisagawa ang
proyekto.
Una, ang gasifier technology na paaandarin gamit ang mga organic wastes
tulad ng rice husk, rice stalk at iba pa. Pangalawa, ang Flash Pyrolisis Method
na paaandarin naman ng organic wastes, municipal solid waste tulad ng mga
plastic, patapong gulong o tires ng mga sasakyan.
Umaasa
ang asosasyon ng mga electrical engineers na susuportahan ng pamunuan ng bawat
local government unit sa unang distrito ng North Cotabato partikular sa PPALMA
Area ang solusyong kanilang inirerekomenda.
Patuloy
din umano ang kanilang pakikipag- ugnayan kay North Cotabato First District
Representative Jesus “Susing” Sacdalan upang makipagtulungan sa tanggapan nito
dahil sa distritong nasasakupan nito ipapatupad ang nasabing waste to energy
technology.
Kung
magtatagumpay, magiging modelo ang unang distrito ng North Cotabato partikular
ang PPALMA Area sa implementasyon ng waste to energy technology. (Roderick
Bautista)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento