(SANTA
MARIA, Davao del Sur/April 14, 201) ---Nagmistulang kwento ng magkapatid na
Cain at Abel sa Lumang Tipan ng Bibliya ang nangyari sa magkapatid na Julian at
Elias Bayot sa bayan ng Santa Maria, Davao del Sur.
Tinaga
hanggang sa mapatay ng nakababatang si Julian ang kuya niya’ng si Elias, 34,
nang magtalo sila tungkol sa iniwang lupa ng kanilang namayapang mga magulang.
Naganap
ang krimen sa mismong bahay ng magkapatid sa Barangay Basiawan, kamakalawa.
Ayon
sa report, kinumpronta ng suspect ang kuya patungkol sa hatian ng lupa.
Agrabyado
raw kasi ito sa sistema ng hatian.
Dahil
sa matinding sama ng loob, kinuha nito ang itak sa kusina at tinaga ang kuya.
Nagtangkang
manlaban ang biktima pero napuruhan pa rin ito.
Mahigit
sampung sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang tinamo ng biktima na naging
sanhi ng kamatayan nito.
Nakahanda
raw si Julian pagbayaran ang krimeng ginawa.
Kahapon,
kinasuhan na ito ng parricide ng Santa Maria PNP.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento