Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Libung halaga ng pera; nawawala sa isang Department ng Kolehiyo

(USM, Kabacan, North Cotabato/April 12, 2012) ---Naglahong parang bula ang pera na sana’y pambayad sa request ng mga estudyante sa kukuning subject ngayong summer makaraang matangay ito dakong alas 11:30 kaninang umaga sa Mathematics Department ng Pamantasang ito.


Ayon kay Prof. Margie Requita abot sa P10,800 ang nilimas ng di pa nakilalang salarin.

Ang pera ay nakalagay sa taas ng mesaa at naka-staple ng iwanan ng isang estudyante na nakilalang si Joyce Adolacion, ang leader sa klase.

Pag-punta nito ng Admi para magbayad doon na at binalikan na nito sa nasabing department ang pera subalit sa masamang palad ay nawala na ito.

Duda naman si Prof. Requita na posibleng isa sa mga estudyante na pumasok sa kanilang department ang kumuha ng nasabing halaga ng pera habang abala naman ang mga sila sa pag-aayos ng gawaing opisina kanina.

Agad namang inireport ng Department chair sa USM Security Office ang nasabing pangyayari.  (RB ng Bayan)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento