Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

BS tourism student; nanguna sa may 1,932 na mga gagraduate ngayong araw sa USM

(USM, Kabacan, North Cotabato/April 10, 2012) ---Nanguna bilang batch 2012 Magna Cum Laude si Dianne Cristel Marasigan Basilio, BS tourism mula sa College of Human Ecology and Food Sciences sa may 1,932 na magsisipagtapos ngayong araw sa Pamantasan ng Katimugang Mindanao.


Dianne Cristel Marasigan Basilio
Sa panayam ng DXVL kay Basilio sinabi nitong “time management is a key to success” lalo na ang suporta ng kanyang Pamilya at sa tulong ng Panginoon kung bakit nito naabot ang tagumpay sa kanyang pag-aaral.

Aniya, lubos din nitong pinasasalamatan ang kanyang mga magulang, kaklase at kaibigan na naging inspirasyon din nito para lalo pang sumikap sa pag-aaral.

Bilang estudyante at kasapi ng University Modern Dance Troupe ay kaya nitong pagsabayin ang kanyang oras sa pag-aaral at pagsasayaw na siya’ng hinahangaan ng iba.

Maaga pa kanina ay punong-puno na ng mga gagraduate, mga magulang at bisita ang paligid ng Pres. Asinas Amphitheater na nasa USM Main Campus kungsaan
gagawin ang Baccalaureate Services kungsaan si Rev. Rey Salvador, DCK, Sto. Nino Parish Makilala ang maghahatid ng mensahe.

Alas 8:00 naman ngayong umaga ay agad na magsisimula ang ika-66th Commencement exercises kungsaan si Vice Pres Jejomar “Jojo” Binay ang magiging panauhing pandangal at tagapagsalita.

Pangungunahan ng mga USM administrative council, apat na mga vice President ng USM at ni USM Pres Jesus Antonio Derije ang nasabing programa.

Inaasahan ding dadalo si Cotabato Governor Emmylou “Lala” Talino Mendoza.

Samantala, hinigpitan narin ang seguridad sa buong paligid ng amphitheater at maging ng buong paligid ng USM kung saan ipinakalat na rin ang mga element ng pulisya at military na siya’ng titiyak sa seguridad ng mga dadalo sa nasabing pagtatapos. (Rhoderick Beñez)





0 comments:

Mag-post ng isang Komento