Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

05:31pm

Pinsala ng rat infestation sa bayan ng Kabacan, abot na sa mahigit isang libong ektarya

Mahigit isang libong ektarya na ang naitalang pinsala sa sektor ng agrikultura ng Municipal Agriculture Office ng Kabacan kaugnay ng rat infestation sa halos lahat ng mga barangay sa nasabing bayan.

Batay sa mga datos na nakalap ng DXVL News, 749 ektaryang lupain na tinaniman ng palay ang inatake ng mga daga samantalang mahigit apat na raang ektarya naman ang tinaniman ng mais. Pitumpo’t limang ektarya naman ng niyog ang di pinalagpas ng mga daga.

Ayon kay Tessie M. Nidoy, isa mga agricultural technologists ng Kabacan, pati umano oil palm ay inaatake na rin ng daga dahil umano sa manamis-namis na lasa ng bunga nito.

Tinatayang mahigit dalawang daang mga magsasaka naman ang naitalang inatake ang kanilang mga sakahan at taniman.

Pinangangambahan ngayon ng mga residente ng mga barangay na inaatake ng daga, na baka umano aatakihin din ang kanilang mga pananim na mga gulay.

Ang mga barangay na lubhang napinsala ng rat infestation ay ang mga barangay ng Malanduage, Cuyapon, Kayaga, Upper Paatan, Lower Paatan, Kilagasan, Simone, Nangaan, Katidtuan, Sanggadong, Dagupan at Salapungan.

05:28pm

Isang briefing at lecture hinggil sa bawal na gamot at iba pa, isinagawa sa Barangay Malamote

Bilang tugon sa hiling ng mga opisyales ng mga barangay, isang briefing at lektyur para sa mga in-school youth ang isinagawa sa  Barangay Malamote buong araw kahapon.

Tinalakay sa nasabing seminar ang tungkol sa mga masasamang dulot ng bawal na gamot sa katawan ng tao, Adolescents Reproductive Health (ARH), mga violations sa curfew at ilan pang may kaugnayan na isyu na kinakaharap ng mga kabataan.

Ayon kay MSWD Officer Susan Macalipat na kasama sa mga tinalakay ay ang Republic Act 9344 na tungkol sa Juvenile Deliquency na nagbabawal sa mga menor de edad na makulong. Naisali umano ito sa diskusyon upang maipaliwanag sa mga nagtatanongkung bakit hindi umano nakukulong ang mga menor de edad na nagkakasala.

Ani Macalipat, mga kabataan umano ang target ng nasabing seminar sapagkat batay sa tala ng mga awtoridad at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), pawang mga menor de edad ang nasasangkot sa kalakalan ng bawal na gamot.

Dagdag pa ni Macalipat, nagtulong-tulong umano ang MSWDO at ang Barangay Malamote upang maisagawa ang seminar na ito.

Simula pa lang umano ang kampanyang ito ng MSWDO. Susuyurin pa umano nila ang iba pang mga paaralan upang makapagbigay din ng ganitong briefing at lektyur.


Wala pa ring lead ang Kabacan PNP hinggil sa naganap na pag-ransack sa ilang mga opisina sa College of Agriculture ng USM kamakalawa ng gabi ayon sa pulisya.

Hanggang ngayon ay hindi pa umano nakakapagsumite ng inisyal na resulta ng imbestigasyon na isinagawa kahapon ng Scene of the Crimes Operatives (SOCO).

Tinatayang dalawampung libong piso ang nalimas ng mga magnanakaw sa opisina ng Dean ng kolehiyo na ayon sa dekana ay ang mga nakoloekta umano para sa advisers’ fee ng mga estudyante. Samantala, isang libong piso naman ang natangay ng o ng mga magnanakaw sa Department of Agricultural Extension. (with report from Lito Salvo)


Pagpapaigting ng Land Transport System ng Probinsiya, iginigiit ng gobernador,; paglalgay ng CCTV, isinusulong

Tiwala ngayon si Cotabato Governor Emmylou “Lala” Talino Mendoza na maibsan kung di man tuluyang masawata ang mga nagaganap na krimen sa probinsiya kung mayroong segurado, secure at progresibong Land Transport System ang bawat munisipyo.

Ito ay para maproteksiyunan ang government facilities maging ang mga pasahero at magkaroon ng dagdag na kita ang LGU.

Ginanawa ng opisyal ang pahayag sa isang punong pambalitaan kahapon ng hapon sa cotabato provincial Capitol kasabay ng isinagawang 1st Regional Peace and Order council conference (RPOC XII), Cotabato Provincial Peace and Order council Meeting kahapon din ng umaga.

Kaugnay nito, isinusulong ng gobernadora na magkakaroon ng ordinansa para sa lahat ng mga transport group na bibigyan ng karampatang parusa ang sinuman sa mga ito na hindi sumusunod sa nasabing deriktiba.

Tinukoy pa nito na ang pagpapatibay ng nasabing direktiba ay malaki ang maitutulong para makalikom ng dagdag na kita para sa mga LGU’s, tiniyak din ng gobernadora na magbibigay ang kanyang pamunuan ng dagdag na security budget sa nasabing mga terminal at ang paglalagay ng CCTV camera na naka-hook-up sa mga Police stations sakaling maipatupad na ang nasabing kautusan.

 Samantala, ipinahayag din ng provincial government ang Mag-text kontra krimen Hotline sa 0917-4759-169 at 0949-8243-446. (RB ng Bayan)

PNEUMONIA, NANGUNANG SAKIT SA KABACAN AYON SA USM HOSPITAL
 
Community acquired pneumonia ang nangunang sakit sa bayan ng Kabacan na naitala ng USM Hospital sa buwan ng Enero ngayong taon.

Batay sa mga datos na nakalap ng DXVL, dalawampu’t apat (24) na kaso ng pneumonia ang nai-rekord ng nasabing ospital .

Ayon kay Larcy Cadi, head nurse ng USM Hospital, ang pagkakasakit umano ng mga pasyenteng may pulmonya ay kanila umanong nakuha sa kanilang kapaligiran.
Liban sa sakit na ito, tinukoy din ni Cadi ang ilang mga sakit na kasama sa top ten sa buong buwan batay sa mga bilang ng mga nagkakasakit. Ang ilan sa mga ito ay urinary tract infection o UTI, acute gastro-enteritis, bronchopneumonia, acute gastritis, essential hypertemia at intestinal amoebasis.

Upang maiwasan ang mga ganitong karamdaman, aniya, makabubuti umanong palaging magdala ng payong bilang proteksyon sa pabagu-bagong klima at marapating umiwas sa mga taong may ubo at sakit. 

Dagdag pa ni Cadi, na mas maganda ring uminom ng Vitamin C para mapataas ang resistensya ng katawan ngunit mas mainam umano na komunsulta sa mga eksperto sa kalusugan  kapag may nararamdaman na umanong hindi maganda  sa pangangatawan.

Samantala, base sa kanilang tala mula noong ika-14 hanggang kahapon ngayong buwan ng Pebrero,   tatlumpo’t siyam (39) na kaso ng ubo ang naitala dahil na rin sa araw-araw na pag-ulan.

USM-ROTC UNIT MULING NAGING KAMPEON SA RAAFE

Muling naging kampeon ang Reserved Officers Training Corps (ROTC) Unit ng University of Southern Mindanao sa katatapos lang na Regional Annual Administrative Performance Evaluation (RAAPE).

Ayon kay Master Sergeant Joseph Morales, ang training supervisor ng USM-ROTC, nakakuha ng kabuuang average na 92.9216 ang unit upang mapagwagian ang nasabing kompetisyon na dinaluhan ng labindalawang (12) mga paaralan.

Aniya, ang malakas na suporta umano na binibigay ng USM administration sa ROTC, pagiging disiplinado ng mga officers, kagalingan ng mga officers sa  theoretical exams ang mga naging daan ng tagumpay ng USM-ROTC Unit ngayong taon.
Ang RAAPE ay taunang ebalwasyon sa mga paaralan hinggil sa performance ng mga estudyanteng sumasailalim sa ROTC na pinangunahan ni Col. Roger Madalugdog ng ARESCOM.

Pagkatapos ng RAAPE, ay National Annual Administrative Prerformance Evaluation (NAAFE) na susubukan umano ng USM-ROTC Unit na daluhan sapagkat tinatantiya pa nila umano kung kakayanin ng budget ang nasabinng kompetisyon.

Matatandaang noong nakaraang taon ay tinanghal rin na kampeon ang  USM-ROTC Unit sa RAAPE.

OSA NAGHAHANDA NA PARA SA GAWAD PARANGAL 2011
 
Tumatanggap na ang Office of Student Affairs o OSA ng mga aplikasyon  para sa Gawad Parangal ngayong taon.

Ayon kay Prof. Anita Testado, in-charge sa Student Organizations Division, marami-raming estudyante, local student government (LSG), at iba pang organisasyon ang nakapagpalista na upang sumali sa individual at group categories.

Ang mga nagpalista sa indibidwal na kategorya ay maglalaban-laban sa Most Oustanding Student of the Year, Most Outstanding Student Leader, Most Outstanding Governor, Most Outstanding Organization President na kakatawan sa apat na councils of organizations sa USM. 

Magtutunggalian naman ang mga LSG para sa Outstanding Local Student Government, at mga organisasyon na nahahati sa apat: Outstanding Campus Ministry; Outstanding Society; Outstanding Organization for In-campus Service;  Outstanding Organization for  Off-campus Service;at Outstanding Fraternity/ sorority para sa group category. 

Wala pang nakatakdang araw kung kailan gaganapin ang nasabing parangal ngunit sabi ni Testado na maari itong idaos bago o pagkatapos ng Final Exam ngayong March 15-19. 

Dagdag pa ni Testado na hindi isasabay ang Gawad Parangal sa University Recognition Day gaya ng mga nakaraang taon upang mas ma-highlight ang mga extra-curricular activities ng mga estudyante.

Samantala, hinihikayat naman niya ang iba pang mga interesadong USMian at mga organisasyon na hindi pa nakakapag-apply na may panahon pa upang makapaghanda ng mga requirements bago sasapit ang deadline sa March 2.
Dagdag pa niya na kung may mga katanungan hinggil sa parangal na ito ay marapatin lamang na sumangguni sa OSA at upang makapagkuha  ng application forms.

Governor Mendoza may payo sa mga tatakbo para sa ikatlong distrito ng North Cotabato
 
Ngayong na-aprubahan na ang pagbubuo ng pinakabagong distrito sa lalawigan ng North Cotabato , nagbigay ng payo si Governor Emmylou “Lala” Taliño-Mendoza sa mga nagbabalak na pumosisyon sa naturang newly-created district.
 
Aniya, mayroon pa umanong mahigit isang taon ang mga nag-aambisyon na magiging kinatawan ng ikatlong distrito sa lalawigan bago ang halalan sa 2013.
 
Paalaala ni Mendoza na kung sino man ‘yung mga tatakbo at saanmang distrito, kailangan umano nilang intindihin na mayroon pa silang isang taon upang ire-locate ang kanilang mga sarili upang sila’y magiging kwalipikadong kandidato.
 
Naitanong din sa gobernadora patungkol sa isyu na isa umano si Raymond Mendoza ang itinutulak na maging Representative ng 3rd District. Giit niya na di na umano bago sa kanila ang usaping ito sapagkat pangalawang termino na ni Mendoza bilang partylist representative ng Trade Union Congress of the Philippines o TUCP.
 
Aniya, ang TUCP ay ang pinakamalaking labor organization sa bansa na pinangangatawanan ni Mendoza sa Mababang Kapulungan.

Midsayap PNP; nakakatanggap umano ng threats, matapos matukoy ang pagkakakilanlan ng tatlong mga kidnappers na napatay
 
Tatlo sa limang napatay na kidnapper sa bayan ng Midsayap North Cotabato ay nakilala narin ng Midsayap PNP at dalawa dito ay naclaim narin ng  mga kamag-anak…
 
Ayon kay Police Insp.Enilo Galelea ang Officer In Charge ng Midsayap PNP,  kinilala  ang isa sa pangalang Miko Tasil Daud  na nakatira sa barangay Matigabong Ampatuan Maguindanao, habang ang isa ay Kasanudin Nasser Mangko 26 anyos na residente ng  Pinaring Sultan Kudarat at ang isa ay nakilala lang  sa alyas na pangalang K-9.
 
Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang mga nagclaim na kamag-anak hinggil  sa kung bakit nasangkot  ang kanilang kamag-anak sa tangkang pagdukot kay Frank Chong, isang negosyante.
 
Samantala  pormal naring pinagharap kahapon ng kaso  sa piskalya si Ali Mama ang nahuling kidnaper.
 
Samantala makaraang na-neutralized  ng kapulisan  ang limang kidnaper  ay  nakakatanggap na ngayon ng threats  ang Midsayap PNP mula   sa kasamahan ng napatay na mga kidnaper.
 
Ayon kay Insp.Galelea may  mga impormasyon silang natatanggap na reresbak daw  ang mga kasamahan ng  kidnaper.
 
Sinabi nitong handa naman daw sila kung sakaling gaganti   ang mga kasamahan ng mga kidnaper.
 
Aniya  nakaalerto   naman daw ang taumbayan kung saan mabilis umanong nagrereport kung may mapansing kahina-hinalang  individual.
 
Nagbabala   si North Cotabato Provincial Police  Director police Sr.Supt.Cornelio Salinas sa mga masasamang loob na nagbabalak na  pumasok  sa probinsiya at maghasik  ng krimen na wala silang puwang  para magtagumpay sa kanilang masamang balakin.
 
Aniya sasapitin din ng criminal na manggugulo  sa probinsya  ang  sinapit  ng limang kidnaper  sa bayan ng  Midsayap.
 
Maganda umano ang partisipasyon ng taumbayan sa pulisya at sundalo kayat  medaling  narerespondehan   ang mga insedente.
 

Bagong scholarship program ng North Cotabato, hindi tatanggap ng mga aplikanteng kukuha ng mga kursong Nursing at Education
 
Ipinahayag kamakalawa ni Governor Emmylou “Lala” Taliño-Mendoza sa isang press conference sa kapitolyo na hindi kasali sa bagong scholarship program ng lalawigan, ang mga aplikanteng gustong kumuha ng mga kursong Nursing at Education.
 
Ayon sa kanya, ang kautusang ito ay nakabatay sa kanyang obserbasyon na marami umanong Nursing at Education graduates na hanggang sa ngayon ay nananatiling volunteer sa kani-kanilang ispeyalisasyon.
 
Dagdag pa ng gobernadora, wala umanong proper matching ang mga kursong ito kung kaya marami pa rin sa mga graduate na ito ang walang regula na trabaho sapagkat wala silang mapuntahan para pagtrabahuhan.
 
Samantala, sa bagong pulisiya na inilabas ng lalawigan, kung may pangangailangan umano sa regular items para sa mga guro, kukuha umano sila sa mga naging volunteer teachers. Ganito rin umano ang hakbang na gagawin kung mangangailangan ng mga registered nurses ang lalawigan.
 
Aniya sa pamamagitan nito ay mabibigyan umano ng pagkakataon ang mga   matagal nang nagvovolunteer na mga guro at nars na tinitiis ang kakarampot na suweldo.
 
Ipinagpasalamat ni Mendoza ang pagsasahimpapawid ng programa ng Administrasyong Aquino na 4Ps o ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program.
 
Sa pamamagitan ng programang ito, aniya ay nakapag-hire ang lalawigan ng isandaan at tatlumpo’t apat (134) na nars  na naka-deploy na sa mga Rural Health Units (RHUs)  at sa walong ospital  sa probinsya.
 
Tumatanggap ng walong libong piso (P8, 000) kada buwan ang mga volunteer nurses na ito.

Pagpostpone sa ARMM Election sa Agosto nakaaalarma umano ayon sa isang opisyal ng Rehiyon
 
Nakaaalarma umano ang pagpostpone ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Election ayon kay Sarangani Governor Migz Dominguez.
 
Ayon sa gobernador, hindi umano nagpatawag ng konsultasyon ang kahit ni isa mang congressman ng rehiyon bago isinagawa ang botohan na pinangunahan ng Mindanao Committee for Postponement.

Dagdag pa niya, wala rin umano silang makitang real justification upang ipagpaliban ang eleksyon. Aniya, sa ganitong desisyon, tila kinitil umano ang karapatan ng mga taga-ARMM na pumili ng mga bagong opisyal para sa kanilang rehiyon.
 
Sinabi ng gobernador na ang pagpapaliban ng ARMM Election ay maaari umanong magdulot ng instability sa rehiyon at isa umano itong indikasyon na bumababa na ang demokrasiya sa Mindanao .
 
Bilang isang lider sa Mindanao , ani Dominguez, wala siya umanong personal na agenda hinggil sa di pagsang-ayon sa pagpapalibang ito.
Ang kanya umanong iniisip ay ang mga saloobin ng mga Pilipino sa nasabing rehiyon.
 
Samantala, inihalintulad niya ang ARMM Election sa MOA-AD na kung saan walang konsultasyon na naganap.

Aniya, bilang isang lupon ng mga lider ng Mindanao, nararapat lang umanong magkaisa upang isulong ang demokrasya sa Mindanao .
Samantala, tumanggi namang magbigay ng kumento si Sultan Kudarat Governor Teng Mangudadatu sa umuugong na balita na posible umano tatakbo si dating Sultan Kudarat Pax Mangudadatu sa ARMM election.

Selebrasyon ng LGU-Kabacan para sa 25th EDSA People Power commemoration; ginugunita ngayong araw (February 25, 2011)
 
Ngayong araw ang ikadalawampu’t limang anibersaryo ng EDSA People Power. Kaugnay nito, alas otso mamaya gaganapin sa Kabacan municipal plaza ang lokal na selebrasyon.
 
Ang nasabing paggunita ay pangungunahan ni Kabacan Mayor George Tan kung saan itatampok dito ang mga aktibidab na inihanda ng LGU ng Kabcan partikular na ang Kapagayan Dance Troupe.
 
Ayon kay Administrative Officer Cecilia Facurib, magsasagawa sila ng Clean up day sa Municipal compound.
 
Ang nasabing programa umano ay nakasentro sa temang “Tatak EDSA: Pilipino Ako. Ako ang lakas ng Pagbabago.
 
Sa isang Memorandum Circular na ipinalabas ng DILG idineklarang special working holiday sa lahat ng mga pribado at pampublikong tanggapan maliban na lamang sa mga pampubliko at pribadong paaralan.
 
Matatandaang ang EDSA People Power ang nagtapos sa ilang taong panunungkulan ng dating pangulong Ferdinand Marcos na dinaluhan ng milyon-milyong Pilipino.

Governor Mendoza may payo sa mga tatakbo para sa ikatlong distrito ng North Cotabato
 
Ngayong na-aprubahan na ang pagbubuo ng pinakabagong distrito sa lalawigan ng North Cotabato , nagbigay ng payo si Governor Emmylou “Lala” Taliño-Mendoza sa mga nagbabalak na pumosisyon sa naturang newly-created district.
 
Aniya, mayroon pa umanong mahigit isang taon ang mga nag-aambisyon na magiging kinatawan ng ikatlong distrito sa lalawigan bago ang halalan sa 2013.
 
Paalaala ni Mendoza na kung sino man ‘yung mga tatakbo at saanmang distrito, kailangan umano nilang intindihin na mayroon pa silang isang taon upang ire-locate ang kanilang mga sarili upang sila’y magiging kwalipikadong kandidato.
 
Naitanong din sa gobernadora patungkol sa isyu na isa umano si Raymond Mendoza ang itinutulak na maging Representative ng 3rd District. Giit niya na di na umano bago sa kanila ang usaping ito sapagkat pangalawang termino na ni Mendoza bilang partylist representative ng Trade Union Congress of the Philippines o TUCP.
 
Aniya, ang TUCP ay ang pinakamalaking labor organization sa bansa na pinangangatawanan ni Mendoza sa Mababang Kapulungan.

Bayan ng Kabacan hindi napabilang sa mga benepisyaryo ng 4Ps ayon kay MSWD Officer Macalipat
 
Hindi kasama ang bayan ng Kabacan sa programang 4Ps o Pantawid Pamilyang Pilipino Program ng administrasyong Aaquino, ito ang pahayag ni Municipal Social Welfare Development Officer Susan Macalipat matapos makatanggap ng maraming tanong hinggil sa programa.
 
Aniya, nakabatay umano ang di-pagkakasali ng Kabacan sa isinagawang survey ng mga tinatawag na ‘enumerators’ na nagdedetermina kung sino-sinong pamilya ang makatatanggap ng benepisyo mula sa 4Ps.
 
Samantala, labis naman na ikinagulat ni Macalipat ang napapabalitang may mga tao umanong naniningil sa mga taga-Kabacan partikular na riyan sa palengke na gagamitin umano para sa 4Ps.
 
Pagdadahilan umano ng mga naniningil na sa pamamagitan ng bawat isandaang piso ay makaaaasa umano silang magiging kabahagi ng nasabing programa.
 
Mariin itong pinabulaanan ni Macalipat sapagkat hindi nga raw kabilang ang Kabacan bilang isa sa mga benepisyaryo ng 4Ps. Aniya, mga manloloko umano ang mga naniningil na ito na sinasamantala ang kainitan ng programang ito ng gobyerno. (LMSalvo)

Pagbuo ng 3rd District sa probinsiya ng North Cotabato ; aprubado na


Aprubado na sa mababang kapulungan ng kongreso ang pagbuo ng bagong distrito sa probinsiya ng North Cotabato .


Ito ang inihayag kahapon ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza sa isinagawang punong pambalitaan sa provincial capitol.



Ayon sa gobernadora ang pagbuo ng 3rd district sa lalawigan ng North Cotabato ay matagal na umanong isinusulong maging sa panahon pa ni dating Governor Diaz.


Base sa populasyon ng probinsiya, land area at ang Internal Revenue Allotment (IRA) ang North Cotabato ay maari na umanong makapagbuo ng 3rd District.


Sa nasabing panukala, ang mga bayan na sakop ng 1st District ay ang sumusunod: Alamada, Aleosan, Libungan, Midsayap, Pigcawayan at  bayan ng Pikit.
Ang 2nd District ay binubuo ng mga bayan ng Antipas, Arakan, President Roxas, Magpet, Makilala at ang lungsod ng Kidapawan.


Habang sakop naman ng 3rd District sa probinsiya ang bayan ng Banisilan, Carmen, Kabacan, Matalam, M’lang at Tulunan.