Pagpapaigting ng Land Transport System ng Probinsiya, iginigiit ng gobernador,; paglalgay ng CCTV, isinusulong
Tiwala ngayon si Cotabato Governor Emmylou “Lala” Talino Mendoza na maibsan kung di man tuluyang masawata ang mga nagaganap na krimen sa probinsiya kung mayroong segurado, secure at progresibong Land Transport System ang bawat munisipyo.
Ito ay para maproteksiyunan ang government facilities maging ang mga pasahero at magkaroon ng dagdag na kita ang LGU.
Ginanawa ng opisyal ang pahayag sa isang punong pambalitaan kahapon ng hapon sa cotabato provincial Capitol kasabay ng isinagawang 1st Regional Peace and Order council conference (RPOC XII), Cotabato Provincial Peace and Order council Meeting kahapon din ng umaga.
Kaugnay nito, isinusulong ng gobernadora na magkakaroon ng ordinansa para sa lahat ng mga transport group na bibigyan ng karampatang parusa ang sinuman sa mga ito na hindi sumusunod sa nasabing deriktiba.
Tinukoy pa nito na ang pagpapatibay ng nasabing direktiba ay malaki ang maitutulong para makalikom ng dagdag na kita para sa mga LGU’s, tiniyak din ng gobernadora na magbibigay ang kanyang pamunuan ng dagdag na security budget sa nasabing mga terminal at ang paglalagay ng CCTV camera na naka-hook-up sa mga Police stations sakaling maipatupad na ang nasabing kautusan.
Samantala, ipinahayag din ng provincial government ang Mag-text kontra krimen Hotline sa 0917-4759-169 at 0949-8243-446. (RB ng Bayan)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento