Written by: Rhoderick Beñez
(Kabacan, North Cotabato/February 16, 2011) ---Muling nagpaalala ngayon ang mga otoridad sa publiko hinggil sa paglipana naman ng mga kawatan na akyat bahay gang dito sa bayan ng Kabacan.
Bago mag-alas 8:00 kagabi, hinabol ng mga residente ng Purok Miracle dito sa Poblacion ang di pa nakilalang mga kawatan na uma-aligid sa nasabing lugar na di pa naman natukoy kung anung gamit ang nakulimbat ng mga ito.
Matatandaang nitong mga nakalipas na linggo ay pinupunterya ng mga ito ang mga cellphones lalo na yaong mga loader ng mga tindahan.
Nabatid na muli na namang umatake ang mga ito dahil papalapit na naman ang kapaskuhan kaya’t payo ng mga otoridad na doble ingat at siguraduhing may nakabantay sa inyung mga pamamahay kung kayo man ay aalis.
Samantala, matapos makipag-laban kay kamatayan binawian na ng buhay kahapon ng hapon ang isang cancer patient na tubong Kabacan na nakapasa sa CPA licensure examination.
Kung maalala, Si Lope “Jong” Dapun, Jr. estudyante ng Ateneo de Davao University, residente ng 3rd Block, Villanueva Subdivision, Kabacan, Cotabato at graduate ng BS Accountancy ngayong 2011 ay nasa malubhang kalagayan dahil sa sakit nitong Bone cancer.
Bagamat nasa kritikal na kondisyon noon nagawa pa nitong maipasa ang katatapos na Certified Public Accountant Licensure Examination na ginanap nitong buwan ng Oktubre.
Sa isang ospital sa Davao city binawian ng buhay ang 21-taong gulang na binatilyo, na naging positibo pa rin sa buhay sa kabila ng kalagayan nito dahil ang Panginoon ang nagpupuno ng kanyang kakulangan, ayon sa kanyang mga kamag-anak.