Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

11-anyos patay matapos malunod sa Swimming Pool sa Kabacan

By: Rhoderick Beñez

(Kabacan, North Cotabato/ November 21, 2014) ---Patay ang 11-anyos na bata  matapos itong malunod sa swimming pool ng Water Land Resort sa Barangay Osias, bayan ng Kabacan, North Cotabato kahapon.

Idineklarang patay sa Kabacan Polymedic Cooperative Hospital ang biktimang  si Claude Niko De Guzman Orquillo ng Barangay Kadingilan sa Bukidnon.

School Principal, sugatan sa pamamaril sa Antipas, Cotabato

By: Rhoderick Beñez

(Kabacan, North Cotabato/ November 20, 2014) ---Sa ospital ang bagsak ng isang school principal makaraang pagbabarilin sa bisinidad ng Purok 4, Brgy. New Pontevedra, Antipas, Cotabato alas 10:30 kahapon ng umaga.

Kinilala ni PSI Felix Fornan, hepe ng Antipas PNP ang biktima na si Flabio Zaragosa, Principal ng Salat Elementary School sa bayan ng Pres. Roxas.

Evening classes ng USM, inilipat na sa Biyernes

(USM, Kabacan, North Cotabato/ November 20, 2014) ---Dahil sa nangyaring insidenteng pagpapasabog sa bayan ng Kabacan, inilipat ng pamunuan ng University of Southern Mindanao ang klase mula 5:30 pababa sa araw ng Biyernes.

Ito ayon kay USM Vice President for Academic Affairs Dr. Palasig Ampang sa panayam sa kanya ng DXVL News.

Mga pang-aatake ng BIFF sa kampo ng CVO at Militar; diversionary tactics –ayon sa militar

(Kabacan, North Cotabato/ November 20, 2014) ---Tinawag ngayong diversionary tactics ng mataas na opisyal ng militar ang ginawang pang-aatake ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF sa ilang mga kampo ng CVO at militar sa lalawigan ng North Cotabato.

Ito ang sinabi sa DXVL News Radyo ng Bayan ni Col. Noel Clement ang Commanding Officer ng 602nd Brigade.

Halos isang milyong pisong cash natangay ng mga magnanakaw sa Tacurong City

(Sultan Kudarat/ November 20, 2014) ---Patuloy ngayon ang hot pursuit operation ng otoridad sa apat na mga suspek na responsable sa pang hohold-up sa dalawang empleyado ng SP Maguindanao sa Tacurong City.

Sinabi ni Tacurong City PNP Chief of Police Supt. Junny Buenacosa Halos isang milyong pisong cash ang natanggay ng dalawang riding tandem mula sa mga biktima.

Witness sa Maguindanao Massacre, itinumba

(North Cotabato/ November 20, 2014) ---Pinabulagta ang isa sa bagong witnesses sa Maguindanao Massacre case habang isa naman ang sugatan matapos tambangan ng mga di-kilalang kalala­kihan sa bayan ng Shariff Aguak, Maguindanao kahapon ng umaga.

Kinilala ni Maguindanao Governor Esmael “Toto” Mangudadatu ang napatay na si Denix Sakal ng Shariff Aguak at sinasabing da­ting driver ni Andal “Datu Unsay” Ampatuan, Jr. habang sugatan naman ang kasama nitong si Sukarno “Butch” Saudagal na dati namang “bagman” o nagdadala ng bag na may lamang pera ni Datu Unsay.

Mayor Guzman hinahamon ang mga nasa likod ng Pambobomba sa Kabacan na lumantad na!

By: Sarah Jane Corpuz Guerrero

(Kabacan, North Cotabato/ November 20, 2014) ---Hinamon ni Mayor Herlo P. Guzman, Jr ang mga tao na nasa likod ng pambobomba sa bayan ng Kabacan na ipakita ang kanilang katapangan sa pamamagitan ng paglalantad sa kanilang sarili sa publiko at huwag magkubli sa likod ng kanilang mga pananakot. 

Sa report na ibinahagi ni OIC-Chief of Police Jarwin C. Castroverde, ang unang pagsabog ganap 6:45 ng gabi noong nakaraang lunes, November 16, 2014 sa may over-pass harap ng Kabacan Pilot Central School, ay sanhi ng isang improvised explosive device na ikinasawi ng isang college student ng USM at ikinasugat ng labing-anim pang iba.

Candle Lighting Rally re: Kabacan Blast; isasagawa ngayong araw

by: Mark Anthony Pispis

(USM, Kabacan, North Cotabato/ November 20, 2014) ---Gagawin ng mga militante at mga progresibong grupo ng mga kabataan ang Candle Lighting Rally para ipakita ang pagkondena at panawagan ng pagkamit ng agarang hustisya sa mga biktima ng Kabacan Overpass Blast na gagawin alas 3:00 ng hapon ngayong araw.

Ang mga grupong ito ay ang STAND USM, Leage of Filipino Students, at Liga ng  Kabataang Moro.

Pamilya ng naulila ng namatay sa Kabacan Blast, humihinge ng hustisya sa pagkamatay nito

Hustisya ang sigaw at hiling ng mga naulila ng Kabacan Blast Victim matapos na maihatid na ito sa kanyang huling hantungan alas 2:30 ng hapun kahapun.

Ayon kay Ginang Lawrence Mantawil, ina ng namatay na si Monique Mantawil sa panayam ng DXVL, sanay mabigyan umano ng hustisya ang pagkamatay ng kanyang anak makaraang malubhang tinamaan ng pagsabog ng IED sa overpass at ideneklarang dead on arrival sa isa sa mga bahay pagamutan sa Kidapawan City kamakalawa ng gabi.

(Update) P200,000 reward money sa Kabacan Blast

Joint MDRRMC & MPOC Meeting re: Kabacan Explosion
(Kabacan, North Cotabato/ November 17, 2014) ---Magbibigay ng P100,000 na pabuya si Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza at P100,000 naman ang mula sa LGU Kabacan, ayon kay Mayor Herlo Guzman Jr., sa sinumang makapagturo sa mga responsable sa pagpapasabog sa overpass ng Kabacan kagabi.

Ito ang sinabi ng dalawang opisyal sa hiwalay na panayam ng DXVL News kaninang umaga.

Kapwa naglaan ang dalawang lider upang mabilis na mabigyan ng hustiya ang nangyaring pagpapasabog sa Kabacan kagabi.

Matatandaan na isang College Student ang namatay makaraang napuruhan sa ulo habang 16 katao na pawang mga college student ng University of Southern Mindanao ang nasugatan matapos na sumambulat ang improvised explosive device sa overpass ng Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 6:40 kagabi.

(Update) 1 patay, 16 sugatan sa pagsabog sa Kabacan

Monique Mantawil, BS Devcom
(Kabacan, North Cotabato/ November 16, 2014) ---Patay ang 2nd year Devcom Student ng University of Southern Mindanao habang umakyat naman sa 16 ang sugatan makaraang sumabog ang Improvised Explosive Device o IED sa Overpass ng Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 6:45 ngayong gabi lamang.

Kinilala ang namatay na si Monique Mantawil, 19-anyos, 2nd Year Devcom at residente ng Pedtad ng bayang ito.

Binawian ng buhay ang biktima habang binabiyahe ito patungong Davao city dahil sa maselan nitong kondisyon.