(Sultan Kudarat/ November 20, 2014) ---Patuloy
ngayon ang hot pursuit operation ng otoridad sa apat na mga suspek na
responsable sa pang hohold-up sa dalawang empleyado ng SP Maguindanao sa
Tacurong City.
Sinabi ni Tacurong City PNP Chief of Police
Supt. Junny Buenacosa Halos isang milyong pisong cash ang natanggay ng dalawang
riding tandem mula sa mga biktima.
Kinilala ang dalawang biktima na sina Hagyar
Simpansan 34, may asawa at taga Datu Odin Sinusuat, Maguindanao at isang Bai
Tini Kasim Baganyan, 35, residente ng Cotabato City at pawang mga emplayado ng
Maguindanao Provincial Government.
Ayon kay Buenacosa, galing sa isang bangko
ang dalawang biktima at papunta na sana sa public terminal pauwing Maguindanao
sakay ng isang pedicab at pagdating sa bahagi ng purok Yellow bell ng lungsod
pinara ito ng apat na mga lalaki at mabilis tinangay ang dalang pera.
Nabatid na ang dalang pera nina Simpansan at
Baganyan ay nakalaan sana para panggasolina ng mga empleyado ng Maguindanao
Provinvial Government.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad
dati nang kumukuha ng pera ang dalawa sa tacurong City gamit ang sasakyan ng
opisina peru sa pagkakataong ito nagtataka ang miembro ng SP Maguindanao dahil
hindi sila humiram ng sasakyan ng Provincial office.
Iniimbestigahan na ngayon ng mga otoridad na
kung hindi man inside job ang nagyaring hold up ay posibleng natunugan sila ng
mga suspek habang nagbabyahe pa ang mga ito.
Nangangalap na rin ng impormasayon ang SP
Maguindanao at nakikipag ugnayan sa Tacurong City PNP sa posibleng pagkakahuli
sa mga suspek.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento