by: Mark
Anthony Pispis
(USM, Kabacan, North Cotabato/ November
20, 2014) ---Gagawin ng mga militante at mga progresibong grupo ng mga kabataan ang Candle Lighting Rally
para ipakita ang pagkondena at panawagan ng pagkamit ng agarang hustisya sa mga
biktima ng Kabacan Overpass Blast na gagawin alas 3:00 ng hapon ngayong araw.
Ang mga grupong ito ay ang STAND USM,
Leage of Filipino Students, at Liga ng
Kabataang Moro.
Ayon sa mga spokeperson ng nasabing
mga grupo sa panayam ng DXVL News, magsisimula ang nasabing aktibidad sa
haharapan ng USM Administrarion Building at pagkatapos ay magmamartsa ang mga
kalahok patungo sa blast sight kung saan ay gagawin ang cadle lighting.
Bahagi ng kanilang gagawing Candle
Lighting Rally ang pagkundena ng kanilang grupo ang pagpapasabog na ang mga
estudyante ng Pamantsan ng Katimugang Mindanao ang direktang naapektuhan nito
at nanawagan sa agarang hustisya para sa mga naging biktima nito.
Maalalang isang 2nd year
Devcom Student ng University of Southern Mindanao na kinilalang si Monuiqe
Mantawil ang nasawi dahil sa pagsabog ng IED sa Overpass sa harapan ng Kabacan
Pilot Elementary School sa National Highway na ikinasugat ng 16 na iba pa at
karamihan sa mga nasugatan ay pawang mga estudyante ng pamantasan noong
November 16 taong kasalukuyan.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento