Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pamilya ng naulila ng namatay sa Kabacan Blast, humihinge ng hustisya sa pagkamatay nito

Hustisya ang sigaw at hiling ng mga naulila ng Kabacan Blast Victim matapos na maihatid na ito sa kanyang huling hantungan alas 2:30 ng hapun kahapun.

Ayon kay Ginang Lawrence Mantawil, ina ng namatay na si Monique Mantawil sa panayam ng DXVL, sanay mabigyan umano ng hustisya ang pagkamatay ng kanyang anak makaraang malubhang tinamaan ng pagsabog ng IED sa overpass at ideneklarang dead on arrival sa isa sa mga bahay pagamutan sa Kidapawan City kamakalawa ng gabi.


Inilarawan din ng kanyang ina si Monique bilang isang simpleng bata na may simpleng pangarap, ang makapagtapos sa kanyang pag-aaral, ngunit sa kasamaang palad ay natuldokan ang lahat ng ito ng walang kalaban laban.

Nanawagan din ang pamilya ng biktima sa kapulisan sa mas pagigtingin pa ang seguridad sa bayan ng Kabacan.

Samantala, si Monique ay pangalawang DevCom Student na na naging biktima ng pagsabog ng IED.

Matatandaang namatay din ang isang DevCom Student na isa ring 2nd year, nang sumabog ang isang IED na nilagay sa isang yunit ng Rural Transit Bus sa bayan ng Matalam apat na taon na ang nakakalipas. (Phillip Mark Anthony Pispis)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento