Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Comprehensive drainage System ng Kabacan, sisimulan na!

(Kabacan, North Cotabato/ August 24, 2013) ---Sisimulan na ng Pamahalaang Lokal ng Kabacan ang pagsasa-ayos ng Comprehensive Drainage System.

Ito ang sinabi ni Engr. Noel Agor sa panayam sa kanya ng DXVL News sa kanyang appearance kahapon sa Sangguniang bayan matapos na hindi na akma ang dating drainage framework nila ilang taon na ang nakakalipas.

Seguridad sa bayan ng Midsayap, mas hinigpitan matapos pinalaya ang dinukot na anak ng negosyante

(Midsayap, North Cotabato/ August 23, 2013) ---Mas naghigpit ng seguridad ngayon ang Midsayap PNP kasunod ng pagpapalaya sa kidnap victim na si Mark Anthony Bayan Kamakalawa ng madaling araw.

Ayon kay Midsayap PNP Chief of Police Supt. Reynante Delos Santos, dinagdagan ang checkpoint sa mga entry at exit points ng bayan upang hindi na maulit pa ang pagdukot sa sinumang indibidwal sa Midsayap.

Corn farmers sa Aleosan, N. Cotabato humihiling ng post harvest facility

(Aleosan, North Cotabato/ August 23, 2013) ---Nagpahayag ng pagnanais ang mga kasapi ng New Leon Multi-Purpose Cooperative o NL-MPC na kung maari ay mabahagian sila ng post harvest facility mula sa gobyerno.

Partikular na hinihiling ng kooperatiba ang tulong ng Departmet of Agriculture o DA na magawan sila ng adisyunal na drying facility para sa kanilang prudukto.

Load curtailment, ipinapatupad na ng cotelco, schedule walang katiyakan ---ayon sa Cotelco

(Kabacan, North Cotabato/ August 22, 2013) ---Hindi makapagbigay ng schedule kung kailan mawawala ang supply ng kuryente sa service area ng Cotabato Electric Cooperative, Inc. o Cotelco.

Ito ang inihayag ni Cotelco General Manager Engr. Godofredo Homez matapos na magpatupad na sila ng load curtailment makaraang muli na namang nakakaranas ng power deficiency ang bahaging ito ng Mindanao.

Kanduli, isinagawa ng mga naglalabang angkan sa bayan ng Matalam, North Cotabato

(August 22, 2013) ---Isinagawa nitong Martes ang isang “Kanduli” o thanksgiving upang wakasan na ang ‘rido’ o clan fued ng dalawang naglalabang grupo sa bayan ng Matalam, North Cotabato.

Ayon kay Cotabato Governor Emmylou Talino-Mendoza ang nasabing ‘kanduli’ ay pinangunahan ni Mayor Oscar Valdeviezo layon upang wakasan na ang ‘rido’ sa mapayapang paraan.

Mga residente ng isang brgy sa bayan ng M’lang, nabigyan ng medical outreach program ng Provincial Government

(M’lang, North Cotabato/ August 21, 2013) ---Pinasalamatan ngayon ng mga residente ng Barangay Lepaga, M’lang, North Cotabato ang isinagawang medical-dental outreach program na isinagawa ng Provincial Government ng North Cotabato noong Agosto a-15.

Abot sa mahigit isang daang mga elementary pupils ang naging benepisyaryo ng nasabing programa bukod pa sa mga high school students sa nasabing barangay kasama ang tatlong daang mga residente na nasa tamang edad ang nabiyayaan ng dental check-up, tuli, medical check-up at nabigyan ng libreng gamot.

Grade-2 pupil pinasubo ng bato, guro kinasuhan!

(Norala, South Cotabato/ August 21, 2013) ---Pormal ng sinampahan ng kasong Child Abuse ang gurong nagpasubo ng bato sa kanyang estudyante mula sa Norala Central Elementary School sa bayan ng Norala, lalawigan ng South Cotabato.

Kinilala ang suspek na guro na si Maylene Lapido, adviser ng biktimang si John Paul Bombeyo, pitong-taong gulang at grade 2 pupil sa ilalim ng SPED sa nasabing paaralan.

Presyo ng goma sa North Cotabato, hindi dikta ng kartel ---Gov. Mendoza

(Kabacan, North Cotabato/ August 20, 2013) ---Iginiit ngayon ni Cotabato Gov. Emmylou “Lala” Talino Mendoza na ang presyo ng goma sa probinsiya ay hindi kontrolado ng kartel at higit hindi ito monopoly o dikta ng isang tao ang presyo.

Ginawa ng gobernador ang pahayag batay naman sa mga data na inilabas ng mga traders at mga eksperto sa agrikultura sa isinagawang 1st Regional Rubber Forum sa Central Mindanao na ginanap nitong Lunes sa USMARC Auditorium, USM, Kabacan, Cotabato.

Trader, 2 pa dedo sa shootout

(Libungan, North Cotabato/ August 20, 2013) ---Napaslang ang negos­yanteng lalaki makaraang pagbabarilin ng tatlong kalalakihan kung saan dalawa ay napatay naman ng mga operatiba ng pulisya sa naganap na shootout sa bayan ng Libungan, North Cotabato noong Sabado ng hapon.
Napuruhan sa kaliwang panga at kanang balikat ang trader na si Makatanong Agundar habang kinilala naman ang dalawa sa tatlong napatay na gunmen na sina Klaw Akmad ng New Panay sa bayan ng Aleosan; at Abubakar Ali.

3 patay 1 kritikal sa banggaan ng tricycle at motorsiklo

(Pigcawayan, North Cotabato/ August 20, 2013) ---Tatlo ang nasawi habang isa ang nasa malubhang kalagayan ng bumangga ang kanilang sinasakyan na motorsiklo sa isang traysikel sa Brgy Crossing Baguier, Pigcawayan, North Cotabato dakong alas 11:10 ng umaga kanina.

kinilala ang mga binawian ng buhay na sina Zainal Wahid, Watari Aliman at Ador Macapeges, habang sugatan naman at nasa kritikal na kondisyon si Guiara Omal, mga residente ng Brgy Kabasalan, Pikit, North Cotabato.

26-anyos na Live-in partner Patay sa lason at saksak

(Cotabato City/August 20, 2013) ---Nakahandusay habang bumubula ang bunganga ng duguang biktima ng matagpuan sa loob ng mismong boarding House nito sa Malagapas, Barangay Rosary Heights 10, Cotabato City.

Kinilala ang biktima na si Mary Grace Silaya, 26 anyos residente ng nabanggit na lungsod.

4 na Estudyante ng USM, sinaniban ng Espiritu?

(Kabacan, North Cotabato/ August 19, 2013) ---Sinaniban diumano ng masamang espiritu ang apat na mga estudyante ng University of Southern Mindanao na nangungupahan sa isang dormitory na nasa Arcedo St., Poblacion, Kabacan, Cotabato.

Ayon sa report, nagsimula umanong sinaniban ang apat na mga estudyante nitong Biyernes matapos na magsagawa ng isang alay o “halad” ang mga ito.

Ika-58th founding Anniversary ng College of Agriculture-USM, gugunitain

(USM, Kabacan, North Cotabato/ August 19, 2013) ---Puspusan na ang paghahanda ng College of Agriculture (CA-USM) sa ika-58 taong pagkakatatag nito ngayong darating na Agosto 24, 2013.

Batay sa opisyal na programa na inihanda ng kolehiyo, kabilang sa mga aktibidad na inihanda sa Agosto a-23 ay ang consultative meeting sa mga Provincial Agriculturist, Municipal Agricultural Officers, Bureau of Fisheries and Aquatic resources Officers kasama na rin ang Farmer Leaders ng North Cotabato kungsaan magiging facilitator dito si Dr. Josephine Migalbin.

66th Founding anniversary ng Kabacan naging mapayapa sa kabuuan

(Kabacan, North Cotabato/ August 19, 2013) ---Sa kabila ng banta sa seguridad naging mapayapa at tahimik sa kabuuan ang buong linggong selebrasyon ng 66th founding anniversary ng Kabacan.

Ito ayon sa Kabacan PNP matapos na ipinakalat nila ang mahigit isang daang pwersa ng kapulisan maliban pa sa tropa ng militar at BPAT na nakabantay sa mga pinag-dausan ng mga aktibidad.

24-anyos na lalaki, patay sa pamamaril sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ August 20, 2013) ---Dead on Arrival sa ospitala ng isang 24-anyos na lalaki makaraang pagbabarilin sa Barangay Katidtuan, Kabacan, Cotabato alas 5:35 ng hapon nitong Sabado.

Kinilala ni PCInsp. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang biktima na si James Mamalinta “alias” tata residente ng bry. Pagagawan, Datu Montawal, Maguindanao.

Regional rubber forum gagawin ngayong araw sa USM-Kabacan, North Cotabato

(Amas, Kidapawan City/ August 19, 2013) ---Daan-daang mga magsasaka mula sa iba’t-ibang grupo sa industriya ng goma mula sa North Cotabato at iba pang bahaginng Region12 anglalahoksa Regional Rubber Forumsa University of Mindanao – Agricultural Research Center o USMARC alas 8:00 ngayong umaga.

Ang naturang forum ay gagawin upang pag-usapan at hanapan ng solusyon ang ilang mga nangungunang isyu sa rubber industry tulad ng mababang presyo nito samerkado at ang umano’y diktahan sa magiging presyong rubber cup lumps na may katagalan na ring hinaing partikular ng mga rubber planters at tappers.

Construction Equipment, sinunog ng NPA

(Arakan, North Cotabato/ August 19, 2013) ---Sinunog ng mga pinaniniwalaang rebeldeng New Peoples’ Army (NPA) ang mga kagamitan sa paggawa ng Dam sa loob ng watershed sa bayan ng Arakan, North cotabato kahaponng hapon.
Ayon sa report ng Arakan PNP pinasok umano ng mga armadong kalalakihan ang watershed area ng University of the Philippines-Mindanao (UP-Mindanao) Reservation sa Barangay Ladayon sa nasabing bayan at sinilaban angmga equipment na nakaparada sa loob.

Fish vendor tiklo sa droga

(Kidapawan City/ August 18, 2013) ---Kulungan ang binagsakan ng isang misis na fish vendor matapos arestuhin ng mga operatiba ng pulisya kaugnay sa pagtutulak ng bawal na droga sa loob ng pamilihang bayan ng Kidapawan City kamakalawa.

Pormal na kinasuhan ang suspek na si Zoraida Pocot kung saan bukod sa paglalako ng mga isda sa palengke, may sideline rin itong pagbebenta ng shabu.