(Cotabato City/August
20, 2013) ---Nakahandusay habang bumubula ang bunganga ng duguang biktima ng
matagpuan sa loob ng mismong boarding House nito sa Malagapas, Barangay Rosary
Heights 10, Cotabato City.
Kinilala ang biktima na
si Mary Grace Silaya, 26 anyos residente ng nabanggit na lungsod.
Batay sa report ng pulisya,
mismong ang ka-live-in partner nitong nakilalang si Shakespeare Alansada
‘alias’ Nene umaming lumason sa biktima bukod pa sa pagsaksak ng tubo sa ari ng
kanyang ka-live-in partner.
Ito ang inamin ng suspek ng
mahuli kahapon ng pulisya habang pagala-gala sa Plaza ng Cotabato City.
Naisugod pa sa bahay pagamutan
si Mary Grace pero idineklara itong dead on arrival ng mga doctor.
Ayon sa nanay ng biktima na si Vergie Silaya, matagal na niyang napapansing may dinadamdam na problema ang kanyang anak pero hindi lang nito masabi ng diretsahan.
Pero hindi niya akalaing hahantong ito sa pagkamatay ng kanyang anak.
Sa ngayon, nahaharap na sa patong-patong na kaso si Alinsada at nakatakda na ring sumailalim sa Drug test. (Rhoderick Beñez)

0 comments:
Mag-post ng isang Komento