(Kabacan,
North Cotabato/ August 19, 2013) ---Sa kabila ng banta sa seguridad naging
mapayapa at tahimik sa kabuuan ang buong linggong selebrasyon ng 66th
founding anniversary ng Kabacan.
Ito ayon sa
Kabacan PNP matapos na ipinakalat nila ang mahigit isang daang pwersa ng
kapulisan maliban pa sa tropa ng militar at BPAT na nakabantay sa mga
pinag-dausan ng mga aktibidad.
Isinagawa
naman ang grand parade kahapon ng umaga kungsaan agad na sinundan ito ng
Anniversary program.
Naging
napauhing tagapagsalita si nasabing okasyon si Lt. Col Noel Detoyato ang group
commander, Information Development Group, CRS-AFP kungsaan binigyan diin nito
ang temang “Kapit-bisig Kabacan Para sa Kapayapaan.
Mismong si
Mayor Herlo Guzman, Jr., ang nanguna sa nasabing programa kasama na ang mga SB
members at mga lokal na opisyal.
Isinagawa
naman ang Hit the Floor Hiphop Dance contest at ang Disco ng Bayan kagabi.
(Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento