Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

4 na Estudyante ng USM, sinaniban ng Espiritu?

(Kabacan, North Cotabato/ August 19, 2013) ---Sinaniban diumano ng masamang espiritu ang apat na mga estudyante ng University of Southern Mindanao na nangungupahan sa isang dormitory na nasa Arcedo St., Poblacion, Kabacan, Cotabato.

Ayon sa report, nagsimula umanong sinaniban ang apat na mga estudyante nitong Biyernes matapos na magsagawa ng isang alay o “halad” ang mga ito.

Pangatlong araw na rin umanong di makatulog ng maayos ang apat dahil sa pabalik-balik umano ang masamang espiritu sa kanilang katawan dahilan kungbakit nagpupumiglas at lumalakas ang mga ito, ayon kay Kapitan Nanay Edna Macaya.

Tinungo kagabi ni Kapitan Macaya ang nasabing Ontok Boarding House sa nasabing lugar kungsaan sa kanyang pakikipagtalastasan sa mga nangungupahan sa nasabing dormitory, dito nabatid na may nakatira umanong ibang nilalang sa lumang bahay na tinaguriang “Prinsesa”.

Ayon sa report, nagalit umano ang nasabing Prinsesa ng ipaayos ang lumang bahay.

Dinala na umano ang apat na mga sinaniban sa bahay pagamutan kahapon para alamin kung may sakit ang mga ito o totoong sinapian ng masamang espiritu ang apat na mga estudyante. (Rhoderick Beñez)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento