(Amas,
Kidapawan City/ August 19, 2013) ---Daan-daang mga magsasaka mula sa
iba’t-ibang grupo sa industriya ng goma mula sa North Cotabato at iba pang
bahaginng Region12 anglalahoksa Regional Rubber Forumsa University of Mindanao
– Agricultural Research Center o USMARC alas 8:00 ngayong umaga.
Ang naturang
forum ay gagawin upang pag-usapan at hanapan ng solusyon ang ilang mga
nangungunang isyu sa rubber industry tulad ng mababang presyo nito samerkado at
ang umano’y diktahan sa magiging presyong rubber cup lumps na may katagalan na
ring hinaing partikular ng mga rubber planters at tappers.
Ayon kay
North Cotabato Governor Emmylou Taliño-Mendoza, pangangasiwaan ng Office of the
Provincial Agriculturist ang aktibidad na naglalayon ding palakasin ang ugnayan
ng mga stakeholders ng industriya.
Gagawin din
sa forum ang isang konsultasyon sa pagitan ng OPA at mga magsasaka ng rubber
para matalakay ang mga problemang kinakaharap kaugnay sa produksiyon at
bentahanng rubber.
Bibigyan din
ng panahon ang mga rubber planters at tappers na magsumite ng kanilang mga
proposal at rekomendasyon para makatulong sa pagresolba ng mga isyu.
Pero bago
ang dayalogo, magbibigay muna ng kanilang report ang mga speakers mula sa High
Value Crops Development Program – Manila ganundin ang binuong Technical Working
Group for Rubber Production Development in North Cotabato.
Ang mga
presentasyon at ulat ay sesentro sa kalagayan ng industriya ng rubber
sakasalukuyan at ano ang mga latest technologies na magagamit para lalo pang
mapaunlad ang goma sa lalawigan ng North Coatabato.
Sinabi ni
Governor Mendoza na bilang isa sa mga high-value crops ng lalawigan, kailang
ang bigyan ng pansin ang rubber industry para lalo pa itong mapalago at
mapaangat ang kabuhayan ng mga magsasaka. (Jimmy Santacruz)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento