Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Comprehensive drainage System ng Kabacan, sisimulan na!

(Kabacan, North Cotabato/ August 24, 2013) ---Sisimulan na ng Pamahalaang Lokal ng Kabacan ang pagsasa-ayos ng Comprehensive Drainage System.

Ito ang sinabi ni Engr. Noel Agor sa panayam sa kanya ng DXVL News sa kanyang appearance kahapon sa Sangguniang bayan matapos na hindi na akma ang dating drainage framework nila ilang taon na ang nakakalipas.


Kaugnay nito, inihahanda na rin ng Municipal Planning and Development Office sa pamumuno ni MPDC Officer Buenaventura Pacania ang executive order na inilabas ni Mayor Herlo Guzman Jr., hinggil sa ipapagawang comprehensive development Plan ng Drainage.

Bagama’t walang pang pondo kung magkakano ang nasabing proyekto, nakahanda naman ang alkalde na bigyang prayoridad ito bilang paghahanda sakaling bumuhos ang malakas na ulan na siyang dahilan ng mga pagbaha sa Kabacan. (Rhoderick Beñez)



0 comments:

Mag-post ng isang Komento