Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Load curtailment, ipinapatupad na ng cotelco, schedule walang katiyakan ---ayon sa Cotelco

(Kabacan, North Cotabato/ August 22, 2013) ---Hindi makapagbigay ng schedule kung kailan mawawala ang supply ng kuryente sa service area ng Cotabato Electric Cooperative, Inc. o Cotelco.

Ito ang inihayag ni Cotelco General Manager Engr. Godofredo Homez matapos na magpatupad na sila ng load curtailment makaraang muli na namang nakakaranas ng power deficiency ang bahaging ito ng Mindanao.

Ayon kay Homez, ang Steag na nag-gegenerate ng 100 megawatts ay pansamantalang nawala na ngayon sa grid at sa Setyembre a-15 pa babalik.

Maliban dito, ang 148 megawatts na Agus 4 ay sumailalim din ngayon sa preventive maintenance at sa October 19 pa babalik sa grid, kasama na rin sa nawala ngayon sa grid ang Agus 2 na nag-gegenerate din ng abot sa 60 megawatts.

Sa ngayon, may kakulangan na 5megawatts na supply ng kuryente ang service area ng Cotelco dahilan kungbakit may ilang oras na pagkawala ng supply ng kuryente.


Ayon kay GM Homez, gagamit sila ngayon ng generator set, para pandagdag sa kakulangan ng supply ng kuryente, pero una ng inamin nito na aasahan ang mas mataas na singil dahil sa pinapatakbo ang generator gamit ang diesel. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento