(Aleosan, North Cotabato/ August 23, 2013) ---Nagpahayag
ng pagnanais ang mga kasapi ng New Leon Multi-Purpose Cooperative o NL-MPC na
kung maari ay mabahagian sila ng post harvest facility mula sa gobyerno.
Partikular na
hinihiling ng kooperatiba ang tulong ng Departmet of Agriculture o DA na
magawan sila ng adisyunal na drying facility para sa kanilang prudukto.
Ayon kay NL-
MPC Board of Director Chairman Timothy Cubin, kinakailangan umano nila ng
dagdag na 3000 square meter drying facility upang masolusyunan ang kakulangan
ng espasyo ng pagbibilaran.
Sa
pamamagitan umano nito ay magagawa na nilang makapagbilad ng 150 sako ng mais
kada araw.
Maiiwasan na
ang kasiraan sa prudoktong mais ng mga magsasaka kung maisasakatupan ang
nabanggit na pasilidad, ayon pa sa opisyal.
Sa
kasalukuyan, ang ginagamit na solar drier ng mga miyembro ay may lawak lamang
na 450 metro kwadrado.
Agad namang
isusumite ni Rep. Jesus Sacdalan ang nabanggit na sulat kahilingan sa tanggapan
ni DA Sec. Proceso Alcala.
Umaasa ang kongresista na mabibigyan ng
karampatang aksyon ang kahilingang ito ng mga magmamais mula sa bayan ng
Aleosan. (Roderick Bautista)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento