Written by: Danilo Doguiles
Courtesy of: Google |
KORONADAL CITY, January 7, 2012 (PIA) -- Magandang balita sa mga nagnanais makapagtrabaho sa LandBank of the Philippines o Landbank, nakatakdang magsagawa ng qualifying exam ang naturang bangko sa susunod na Sabado, Enero 14.
Ayon sa kalatas na inilabas ng Landbank, naghahanap sila ngayon ng mga mangagagawang maaring pupuno sa kanilang kakailanganing tauhan sa planong expansion program sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao ngayong taon, kabilang na dito ang bagong Landbank na bubuksan sa bayan ng Buluan sa Maguindanao.
Subalit bago pa ang qualifying exam sa Mindanao State University High School Campus sa Laurel St., General Santos City sa Enero 14, kailangan munang dumaan ang mga nagbabalak makapagtrabaho sa pre-screening.
Para sa pre-screening maaaring pumunta sa pinakamalapit na tanggapan ng Landbank o sa Landbank Regional Office 12 sa 3rd Floor, Landbank Building, Aquino St., Koronadal City. Gagawin ang pre-screening sa Enero 9 (Lunes) at Enero 10 (Martes).
Dalhin lamang ang sumusunod: application letter, biodata at certified true copy ng transcript of records.
Paalala ng Landbank hindi papayagang kumuha ng qualifying exam ang mga hindi kasama listahan ng mga pre-screened na aplikante.
Bukas ang trabaho sa mga may bachelor’s degree sa mga kursong may kaugnayan business at engineering, may civil service eligibility, at hindi lalampas sa 25 ang edad.