Written by: Rhoderick Benez
(Kidapawan City/January 5, 2012) ---Sinabi ni Cotabato 2nd District Congresswoman Nancy Catamco na hindi ito makialam sa proseso at sa pagpili ng IP mandatory representation sa mga Sanggunian ng mga LGU’s at maging sa barangay.
Giit pa ng opisyal na ang kanyang partisipasyon sa nasabing usapin ay ang pag-advocate nito, dahil isa ang opisyal sa pangunahing may akda ng nsabing batas kungsaan dapat ay may IP representation ang bawat taga-panday ng batas mula brgy., munisipyo at probinsiya.
Sa buong North Cotabato, ang Kidapawan City pa lamang ang may inaprubahang uupo sa Sanggunian bilang IP representative sa katauhan ni Ralyn Iguas, ayon pa kay Catamco.
Bagama’t dumaan din sa butas ng karayom ang proseso ng IP representation sa Kidapawan city, iginiit naman ni Catamaco na bagama’t malayong kamag-anak nito si Iguas ay di nito iniindorso.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento