Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mga 2-stroke na tricycle na namamasada sa loob ng USM, binigyan na lamang ng hanggang May 15, 2012 na palugit

Written by: Rhoderick BeƱez

(Kabacan, North Cotabato/January 4, 2012) --- Noon pang 2009 nagpalabas ng abiso ang pamunuan ng University of Southern Mindanao sa lahat ng mga tricycle drivers at operators na nag-ooperate sa loob ng USM main campus na nagbabawal sa pagpasok sa loob ng pamantasan ng mga 2-stroke na motorsiklo.

Ito dahil ang mga 2-stroke na motorsiklo ay mausok at napaka-ingay at nakaka-distorbo sa mga estudyante na may mga klase sa bawat kolehiyo kapag bumabiyahe ang mga ito sa loob ng Pamantasan.

Dahil sa bago ang ilang mga unit ng mga drivers, humingi sila ng palugit kay USM Pres. Dr. Jess Antonio Derije ng isang taon. Kaya naman pinayagan sila ng Pangulo na mag-operate ng buong taon noong 2010.

Bagama’t ang ilan ay nagpalit na ng 4-stroke, marami pa rin ang umaapela na palawigin pa ang ultimatum na itinakda ni Dr. Derije na bagay namang pinagbigyan ng Pangulo sa ikalwang pagkakataon noong 2011 na hanggang Disyembre na lamang sila pwedeng magpasada.

Kaya pagpasok ng taong 2012, mahigpit na itong ipagbabawal ng pamunuan ng USM ang nasabing mga motorsiklo.

Sa unang araw ng pasukan sa taong ito, kahapon, abot pa rin sa mga 70 na mga tricycle ang pumasada na nasa 2-stroke kung kaya’t binawalan na sila ng mga security force ng USM na pumasok. Para hindi na uminit ang diskusyon, agad namang nagpatawag ng diyalogo ang Pangulo sa mga hanay ng mga tricycle drivers at operators kaninang umaga.

Napag-usapan nila na hanggang May 15 na lamang ang palugit na ibibigay ngayon taon para sa mga 2-stroke na motorsiklo.

Pero para kay Jun Jabinar, residente ng Lower Paatan noon pang 1990 namamasada na ito sa loob ng USM, para sa kanya magandang hakbang ang ginawa ng Pangulo ng USM para sa isinusulong na clean air Act ng pamahalaang Nasyunal at upang maiwasan ang ingay ng mga sasakyan sa loob ng Pamantasan.

Agad namang nagpaabot ng pasasalamat ang Presidente ng Assosasyon ng mga tricycle na si Jeffry Pedtamanan kay USM Pres Jess Derije dahil sa naging maayos na dayalogo na isinagawa sa loob ng Pamantasan at para matuldukan na rin ang isyung ito.

Kaugnay nito inihayag ngayong umaga sa programang USM ngayon at bukas ni Executive Assistant to the Pres Tomas Bebot Moneva na agad na nagbuo sila ng kasunduan na hanggang May 15, 2012 na lamang ang ibinigay na palugit para sa mga 2-stroke na motorsiklo, dapat nakapagrenew sila ng kanilang prangkisa at maayos na pakikitungo sa mga pasahero nila lalo sa mga estudyante.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento