Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Bahay sa isang subdibisyon sa Kidapawan City tinupok ng apoy

HINDI maganda ang pasok ng Bagong Taon kay Aling Corazon Dureza-Onor matapos matupok ng apoy ang bahay niya sa Block 22, Lot 4, ng Sandawa Homes Phase 1 sa Poblacion ng Kidapawan City, bandang alas-12:30 ng tanghali, kahapon.

Tuliro si Aling Corazon kung saan sila mananatili pansamantala ngayong tupok na ng apoy ang kanyang bahay.

Inamin ni Onor na walang tao sa bahay nila nang maganap ang sunog.

Umalis daw sila’ng mag-anak para kumain sa labas.

Sa text na lamang niya nalaman na nilalamon na ng apoy ang kanyang bahay.

Pagdating niya sa erya, 90 porsiento ng bahay niya tupok na.

Duda si Onor na naiwanang appliance plug o faulty electrical wiring ang sanhi ng sunog.

Dahil sa maagap na pagresponde ng City Fire Department naiwasan ang pagkalat ng apoy sa subdibisyon.

Kulang-kulang isang milyong piso ang halaga ng mga gamit at bahay na tinupok ng apoy, ayon kay Onor.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento