Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Libu-libong board Ft. ng mga kahoy, nakumpiska ng mga otoridad sa Sitio Lumayong, Kabacan, Cotabato


Written by: Rhoderick BeƱez


(Kabacan, North Cotabato/January 6, 2012) ---Tinatayang aabot sa lima hanggang anim na libung board ft., na mga kahoy ang nakumpiska ng pinagsanib na pwersa ng Kabacan PNP sa pangunguna ni P/Supt. Josep Semillano, Cotabato Police Public safety Company at ng Kabacan Municipal Environment and National Resources Office o MENRO sa isinagawang raid alas 10:30 kaninang umaga sa loobang bahagi ng Sitio Lumayong, Brgy. Kayaga, Kabacan, Cotabato.

Ayon kay P/Supt. Alexander Tagum, hepe ng CPPSC iba’t-ibang klase ng mga troso ng kahoy ang kanilang nakumpiska kagaya ng Lawaan, Molave, Apitong, Palkata at iba pang mga hardwood na kahoy na aabot sa limang libung board ft. di pa kasali dito ang mga finish lumber. 

Batay sa report ang mga kahoy ay pinaanud umano sa pamamagitan ng Rio Grande de Mindanao na galing naman sa mga kabundukan ng Bukidnon at Cotabato province.
Bagama’t walang naabutan ang mga otoridad sa erya, agad namang dinala ang mga kahoy sa Cotabato Provincial Capitol, karga mula sa dalawang dumptruck na pinadala ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” TaliƱo Mendoza.

Una rito, aminado naman si Kabacan Menro Officer Jerry Laoagan na may mga report na illegal bagasuhan sa bahagi ng Lumayong pero di pa nila batid kung kailan ito nagsimula.
Nakuha naman mula sa erya ang dalawang circular sawmill na ginagamit ng mga trabahante sa lugar.

Kung ang DENR Forest Ranger ng Kabacan at Carmen na si Amor Baniaga ang tatanungin abot lamang umano sa 3 libung board ft. ang nakumpiska ng mga otoridad.
Taliwas naman ito sa tantsa ng mga Pulis.

Ang lugar kungsaan, isinasagawa ang illegal na bagasuhan ay nasa lupa umano ni Datu Jimmy Matalam, ayon sa report.

Sa ngayon di pa mabatid ng mga otoridad kung sinu ang nag-mamay-ari ng sangkaterbang mga illegal na mga pinutol na mga kahoy, na ayon pa sa MENRO Kabacan ay walang permit.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento